NASAGIP ng mga awtoridad ang isang taong gulang na sanggol matapos umanong tangkain itong ibenta online ng sariling ina sa halagang P8,000 sa Pasig City. Ayon kay Anti-Cybercrime Group (ACG) Director BGen. Wilson Asueta, nadiskubre ang iligal na gawain sa pamamagitan ng pinaigting na cyber patrol, matapos matunton ang isang Facebook post na nag-aalok ng bata para sa “adoption” kapalit ng pera. Isang cyber patroller ang nakipag-ugnayan sa suspek at nagkunwaring interesado, hanggang sa mapagkasunduan ang personal na transaksyon sa Pasig City kapalit ng ₱8,000. Dito ikinasa ang entrapment operation,…
Read MoreDay: January 17, 2026
ISKO, SINGAPORE-STYLE URBAN FARMING IPAPASOK SA MAYNILA PARA SA FOOD SECURITY
PALALAKASIN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang food security at food sufficiency sa pamamagitan ng teknolohiya, tamang pagpaplano at makabagong inobasyon sa agrikultura. Ito’y matapos ang lakbay-aral ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa Singapore, kung saan personal niyang inaral ang mga teknolohiya at pamamaraan sa urban farming, partikular ang rooftop greenhouse farming ng Comcrop—isang sistemang epektibo kahit sa high-density urban areas. Ayon kay Mayor Isko, isa sa mga pangunahing layunin ng biyahe ay alamin kung paano maiaangkop sa Maynila ang mga makabagong urban farming technologies. “Tinitingnan po natin ang posibilidad…
Read MoreABOGADO NI ATONG ANG, IWAS MUNA SA MEDIA INTERVIEWS; OMNIBUS MOTION ISUSUMITE
PANSAMANTALANG iiwas sa media interviews ang abogado ni Charlie “Atong” Ang habang isinasagawa ang mga legal na hakbang para sa kanyang kliyente. Ayon kay lead counsel Atty. Gabriel Villareal, lilimitahan muna niya ang kanyang mga pahayag sa opisyal na media releases upang hindi maapektuhan ang mga legal na remedyo ng depensa. Kasabay nito, inanunsyo ni Villareal na magsasampa ang kampo ni Ang ng Omnibus Motion upang ipawalang-bisa ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Laguna, kaugnay pa rin ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Giit ng depensa, minadali…
Read MoreOWWA TRUST FUND SUMIRIT SA ₱21.4-B SA 2026
UMAKYAT na sa mahigit P21.4 bilyon ang trust fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ngayong 2026—mas mataas ng halos P1 bilyon kumpara noong nakaraang taon. Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, ang paglago ng pondo ay bunsod ng patuloy na pagdami ng OFW members at mas pinaigting na pangangasiwa sa pondo ng ahensya. “Tumaas po ang emergency repatriation fund sa P1.286 bilyon, at mayroon din tayong ‘Alagang OWWA’ na P942 milyon,” ani Caunan sa isang press briefing. Dagdag ng OWWA, layon ng mas malaking pondo na mas mapalawak…
Read MoreBATANGAS COURT NAGLABAS DIN NG WARRANT OF ARREST LABAN KAY ATONG ANG, IBA PA
NAGLABAS na ng panibagong warrant of arrest ang korte sa Batangas laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at iba pa kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Kinumpirma ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na ang Lipa City Regional Trial Court Branch 13, sa ilalim ni Presiding Judge Pamela Torres Chavez Izon, ay nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Ang para sa anim na bilang ng kidnapping with homicide, isang non-bailable offense. Batay sa warrant, wala umanong inirekomendang piyansa laban kay Ang na una nang itinuring na fugitive…
Read MoreCOAST GUARD COMMANDER ITINUMBA
PATAY ang isang Philippine Coast Guard officer matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay. Kinilala ng Zamboanga Sibugay PNP ang biktima na si Lt. (JG) Glennick Ytang, 32-anyos, residente ng Brgy. Cabantian, Davao City, at kasalukuyang commander ng Coast Guard Ipil Sub-Station. Ayon kay Major Marjan Sali, hepe ng Ipil Police, natagpuan ang biktima na duguan at wala nang buhay sa loob ng kanyang pick-up truck, may mga tama ng bala sa ulo at dibdib na…
Read MoreESTAPADOR NATUNTON SA LA UNION
DINAKIP ng mga operatiba ng Mendez Police Station (Cavite) ang isang wanted na estapador matapos silang dumayo sa San Gabriel, La Union upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek. Pansamantalang nakakulong sa detention cell ng San Gabriel Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Dem” bago ibalik sa court of origin sa Mendez, Cavite. Sa ulat, dakong 1:05 ng madaling araw ng Huwebes nang arestuhin si Dem sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, San Gabriel, La Union. Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Mendez MPS na namataan…
Read MoreDPWH REGION I, NABIKTIMA NG FAKE NEWS—ENGR. RONNEL TAN
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ng mabilisang impormasyon, kasing bilis din kumalat ang maling pagkaunawa dito. Ito ang kinahinatnan ng napaulat na “100% accomplished” kaugnay ng proyektong tulay na magdudugtong sa Bantay, Ilocos Sur at San Quintin, Abra—isang ulat na agad binigyang-kulay ng duda at maling interpretasyon. Kaya sa gitna ng ingay, mahalagang pakinggan ang paliwanag ng taong direktang may alam sa proseso—si dating DPWH Region I Director Engr. Ronnel Tan. Malinaw ang kanyang pahayag at walang paligoy-ligoy, ang pondong inilalaan sa mga proyekto ng DPWH ay ibinibigay…
Read MoreOIL PRICE ALERT: GASOLINA, DIESEL, KEROSENE TATAAS SA MARTES
ASAHAN ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE). Batay sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE at sa apat na araw na kalakalan, posibleng tumaas ng: P0.60 kada litro ang gasolina; P1.30 kada litro ang diesel; P1.00 kada litro ng kerosene. Isa sa pangunahing dahilan ang sitwasyon sa Iran na nagtulak pataas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. “‘Yan talaga ang primary for this week… Monday to Wednesday ay talagang tumaas ‘yan because sa kaguluhan sa…
Read More