BADOY NAGBAYAD NG P30K MULTA SA PAGBABANTA SA MANILA RTC JUDGE — SC

NAGBAYAD na ng P30,000 multa si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy matapos hatulang guilty sa kasong indirect contempt, ayon sa Korte Suprema. Nag-ugat ang kaso noong August 2023 nang parusahan si Badoy dahil sa sunod-sunod na online attacks laban kay Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court Branch 19. Noong September 21, 2022, naglabas ng resolusyon si Judge Malagar na nagbasura sa petisyon ng Department of Justice na ideklarang terrorist group ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA)…

Read More

LITO BANAYO PINURI ANG KATAPATAN NI TIANGCO SA PAGBUKING KAY ROMUALDEZ

Pinuri ng dating kinatawan ng Pilipinas sa Taiwan at beteranong political strategist na si Lito Banayo si Navotas Rep. Toby Tiangco dahil sa kanyang integridad matapos nitong isapubliko ang mga detalye ng kontrobersyal na mga transaksiyon sa budget ni Leyte Rep. at noo’y House Speaker na si Martin Romualdez. Sa kanyang kolum para sa Manila Standard, inilarawan ni Banayo si Tiangco bilang isang pambihirang personalidad at malayong-malayo sa karaniwang trapo (traditional politicians) na matagal nang nangingibabaw sa pulitika ng Pilipinas. “Toby Tiangco is a revelation. Not the usual trapo that…

Read More

MARTIN ROMUALDEZ MAY PAG-AARING MULTI-MILYONG DOLYAR NA BAHAY SA SPAIN?

INIUUGNAY ng investigative report ng Rappler si Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez sa isang multi-milyong dolyar na bahay sa Cádiz, Spain. Ayon sa Rappler, ang nasabing ari-arian — na kilala bilang Villa Kabila — ay isang 2,019-square-meter na bahay na may hindi bababa sa 16 kuwarto at malaking swimming pool. Ito’y nakatayo sa dalawang magkadugtong na lote na may kabuuang sukat na 3,976 square meters sa mayamang Sotogrande enclave. Batay sa mga real estate listing mula 2021 hanggang 2023, ang presyo ng ari-arian ay nasa pagitan ng…

Read More