ROMUALDEZ MAY RESPONSIBILIDAD SA FLOOD CONTROL ISSUE

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG pagbabasehan ang mga pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco, may pananagutan si dating House Speaker Martin Romualdez sa kontrobersiya sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Rep. Tiangco, may command responsibility si dating Speaker Romualdez kaugnay ng umano’y mga insertion sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co. Sinabi pa ng mambabatas na wala siyang pinapanigan sa isyu at gusto lamang niyang ilahad ang mga pangyayari at totoong naganap.…

Read More

2 TESTIGO, IDINIIN KONEKSYON NINA CURLEE DISCAYA AT ROMUALDEZ SA FORBES PARK PROPERTY

DALAWANG babaeng testigo ang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa sinasabing ugnayan ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kontraktor na si Curlee Discaya. Sa pagharap ng mga testigong itinago sa alyas na Maria at Joy, itinuro nila si Discaya na kanilang nakaharap nang sila ay in-evict na sa tinutuluyan nilang bahay sa No. 30 Tamarind South Forbes Park, Makati City. Ikinuwento ng mga testigo na tauhan sila ni Rico Ocampo, ang dating tenant sa bahay na sinasabing nabili ni Romualdez at nagsilbing front si Discaya.…

Read More

DOJ, KINUMPIRMANG 14 PA LANG SA MAHIGIT 400 NA FLOOD CONTROL PROJECTS ANG ITINUTURING NILANG GHOST

BALOT na balot nang dumating kahapon si Regional Director Gerald Pacanan ng DPWH 4-B sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control project sa Mindoro. Gayunman, nakumbinsi rin siya ng komite na ilabas ang kanyang mukha. (DANNY BACOLOD) KINUMPIRMA ng Department of Justice na 14 pa lamang sa 421 na flood control projects ang itinuturing nilang ghost o guniguni. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida na sa 14, dalawa na ang nakasalang sa SandiganBayan. Kabilang naman sa 12…

Read More

IMPEACHMENT VS MARCOS JR. INIHAIN NA SA KAMARA

Pormal nang sinampahan kahapon, Enero 19, 2026, ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng umano’y katiwalian sa pamahalaan, pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), at alegasyong paggamit ng ilegal na droga. Agad na inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. at House Deputy Minority Leader Jernie Jett Nisay ang reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus, na kinumpirmang tinanggap ng House Secretary General na si Cheloy Garafil alas-8:45 ng umaga. Ayon kay Garafil, susundin ang itinakda ng Saligang Batas at House Impeachment…

Read More

AIPA INILUNSAD NA SA KAMARA

PORMAL nang inilunsad kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pamumuno ng Pilipinas sa ika-47 Association of Southeast Asian Inter-Parliamentary Assembly o AIPA. Bilang Speaker of the House, si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang tumatayong presidente at host parliament ng AIPA 2026, na dinaluhan ng mga mambabatas mula sa 11 bansang kasapi ng ASEAN, kabilang ang Timor-Leste bilang bagong miyembro ng asosasyon. “Our guiding theme is clear: Parliaments Securing a Peaceful, Prosperous, and People-Centered ASEAN. It reflects a fundamental truth: communities endure not on aspiration alone, but on…

Read More

WALANG SORRY-SORRY: PCG SPOKESMAN TARRIELA NAGMATIGAS SA CHINA

WALANG balak na humingi ng paumanhin si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa kabila ng diplomatic protest na inihain ng Chinese Embassy kaugnay ng kanyang mga post sa social media. Ang protesta ng Beijing ay kasunod ng mga post ni Tarriela na tumutuligsa sa umano’y agresyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang isang larawan mula sa kanyang talumpati sa De La Salle–College of Saint Benilde SDG Dialogue Series, kung saan makikita sa background ang mga comical images ni Chinese…

Read More

KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA TONDO, MAPAYAPA — MPD

pulis

NAGING mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD). Batay sa datos ng MPD, umabot sa 8,500 deboto ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa mga misa ng alas-6 at alas-7 ng gabi, kung saan nakapagsagawa ng 30 misa ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo. Samantala, 218 indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Medical Response Team, katuwang ang mga volunteer sa kapistahan. Tumulong din ang…

Read More

LISENSYA NG RIDER NA NANUTOK NG KUTSILYO SA VIRAL ROAD RAGE, SINUSPINDE NG LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw ang driver’s license ng isang motorcycle rider na nahuling nanunutok ng kutsilyo sa gitna ng isang road rage incident na nag-viral sa social media. Ayon sa LTO, malinaw na paglabag sa batas at banta sa kaligtasan ng publiko ang pagdadala at paggamit ng anomang uri ng patalim sa kalsada. “Ang paggamit ng patalim sa lansangan ay isang malinaw na banta sa buhay at kaligtasan ng lahat. Walang lugar ang road rage sa ating mga kalsada,” pahayag ni LTO Chief…

Read More

MERALCO HATID ANG MAGANDANG BALITA NG BAWAS-SINGIL SA KURYENTE SA PAGSISIMULA NG TAON

MALIWANAG NA SIMULA NG TAON. Inanunsyo ni Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga ang panibagong bawas-singil sa kuryente ngayong Enero, na inaasahang makatutulong sa mga customer ng kumpanya. Magandang balita sa simula ng taon ang hatid ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga customer nito dahil magpapatupad ang kumpanya ng panibagong bawas-singil sa kuryente, ang ikalawang sunod na tapyas, kaya naman bumaba ang kabuuang singil sa P12.9508 kada kWh mula P13.1145 kada kWh noong Disyembre. Ang bagong bawas na P0.1637 kada kWh ngayong Enero ay…

Read More