PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NAKIPAGPULONG si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga senior fellow ng ISEAS – Yusof Ishak Institute noong Biyernes, Enero 16, bilang bahagi ng patuloy na pagrepaso ng lungsod sa mga estratehiya sa food security at urban agriculture na angkop para sa mga lungsod na may mataas na densidad ng populasyon. Nakipagpalitan ng pananaw si Moreno kina Propesor Paul Teng at Ms. Elyssa Ludher, kung saan tinalakay kung paano unti-unting inilipat ng Singapore ang bahagi ng kanilang produksyon ng pagkain sa mga…
Read MoreDay: January 20, 2026
PRIBILEHIYO, PANANAGUTAN AT ANG MULTO NG “GHOST PROJECT”
TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang bansang patuloy na naghahangad ng maaasahang suplay ng enerhiya, hindi maaaring balewalain ang anumang alegasyong bumabalot sa mga prangkisang ipinagkaloob ng estado—lalo na kung ang sangkot ay isang renewable energy company na may basbas ng pamahalaan. Ang pahayag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ay muling nagbukas ng mas malalim na usapin: hanggang saan ang pananagutan ng mga binigyan ng pribilehiyo ng gobyerno? Hindi ito usapin ng pulitika, gaya ng malinaw na diin ng mambabatas. Ito ay usapin ng prinsipyo. Kapag…
Read MoreOCTA: BILANG NG PAMILYANG PINOY NA NAGSASABING MAHIRAP, BUMABA NG 17%
BUMABA ng 17 porsyento, o katumbas ng tinatayang 4.5 milyong pamilya, ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap, ayon sa inilabas na pag-aaral ng OCTA Research nitong Martes. Batay sa Tugon ng Masa survey, 37 porsyento o humigit-kumulang 9.8 milyong pamilya ang nagpakilalang mahirap noong Disyembre 2025, mula sa 54 porsyento o 14.3 milyong pamilya noong Setyembre 2025. Ayon sa OCTA, ito ang pinakamalaking single-quarter drop sa kasaysayan ng kanilang survey. Sa food poverty rating, bumaba rin ito mula 49 porsyento noong Setyembre 2025 tungo sa 30 porsyento…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA MAYNILA, INIHARAP KAY ISKO
INIHARAP kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang suspek sa pagkamatay ng isang dalagang dayo sa Maynila na naganap noong Disyembre 2025. Kinilala ng alkalde ang suspek na si alyas “Kyle,” 24 anyos, miyembro umano ng Batang City Jail gang, na naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District–Station 1 (Raxabago Police Station) matapos mahulihan ng baril nitong Lunes ng gabi. Ayon kay Mayor Isko, dumalaw lamang ang biktima sa kanyang mga kakilala sa Tondo nang mangyari ang insidente. “Pinagpapasalamat ko ang Manila Police District, ang mga kababaihan at kalalakihan…
Read MoreDAR, NCIP PINAGTIBAY ANG UGNAYAN PARA SA KARAPATAN NG ARBs at IPs SA ZAMBOANGA DEL NORTE
PINAGTIBAY ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang kanilang koordinasyon upang matiyak ang proteksyon ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) habang tinutugunan ang mga usapin sa pag-angkin ng lupa ng mga indigenous peoples (IPs) sa Barangay Delucot, Godod, Zamboanga del Norte. Isinagawa ang dayalogo bilang tugon sa mga aplikasyon sa pagmamay-ari ng lupa ng mga IPs na may mga bahaging sumasaklaw sa mga lupang sakop ng agrarian reform. Layunin nitong maiwasan ang sigalot sa lupa, mapanatili ang seguridad sa paninirahan at pagsasaka…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS PROBE HINDI PINAUULIT NI PBBM – MALAKANYANG
NILINAW ng Malakanyang na walang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-redo o ulitin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. Ito ay kasunod ng ulat na sinadyang magsumite umano si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan ng maling grid coordinates ng mga flood control project sa Pangulo. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi totoo ang naturang alegasyon at ang kailangan lamang ay itama ang mga naging pagkukulang sa proseso ng imbestigasyon.…
Read MoreIKALAWANG IMPEACHMENT VS BBM IHAHAIN NGAYONG LINGGO
ANOMANG araw ngayong linggo ay ihahain na ng civil society groups ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na inaasahang ieendorso ng Makabayan bloc sa Kamara. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, kailangang maisumite ang reklamo bago magbukas ang sesyon ng Kongreso sa Lunes, Enero 26, dahil sa mahigpit na patakaran na iisa lamang ang impeachment proceeding sa loob ng isang taon. Noong Lunes, naunang naghain ng impeachment complaint si Atty. Andrei de Jesus, na inendorso ni Pusong Pinoy party-list Rep. Jernie “Jett” Nisay.…
Read MorePORTUGAL KUMBINSIHIN PARA ‘DI MAGING KANLUNGAN NI ZALDY CO
KAILANGANG kumbinsihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Portugal na huwag payagang maging kanlungan sila ng mga wanted na Pilipino tulad ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang payo ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa DFA na tanging ahensya na may karapatang makipag-negosasyon sa Portugal kung saan pinaniniwalang nagtatago si Co. “It is highly doubtful if Zaldy Co even understands Portuguese. These factual circumstances on how a fugitive Filipino official is using Portugal as a safe haven to escape grave crimes should…
Read MoreDFA PINAKIKILOS SA PAG-ATAKE NG CHINESE EMBASSY SA PH OFFICIALS
HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agarang kumilos kaugnay sa mga pag-atake ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtatanggol sa paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay matapos maglabas ang Chinese Embassy sa social media na umano’y tumutuligsa kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela, na naging lantad sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga insidente sa WPS. Sa liham na ipinadala kay DFA Secretary Ma. Theresa P. Lazaro, humingi si Hontiveros ng paglilinaw kung ano…
Read More