SUSPEK SA PAGPATAY SA MAYNILA, INIHARAP KAY ISKO

INIHARAP kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang suspek sa pagkamatay ng isang dalagang dayo sa Maynila na naganap noong Disyembre 2025.

Kinilala ng alkalde ang suspek na si alyas “Kyle,” 24 anyos, miyembro umano ng Batang City Jail gang, na naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District–Station 1 (Raxabago Police Station) matapos mahulihan ng baril nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Mayor Isko, dumalaw lamang ang biktima sa kanyang mga kakilala sa Tondo nang mangyari ang insidente.

“Pinagpapasalamat ko ang Manila Police District, ang mga kababaihan at kalalakihan ng MPD. I hope we could give justice to the victim,” ani Moreno.

Muling iginiit ng alkalde na bagamat hindi lahat ng krimen ay agad na napipigilan, sisikapin ng pamahalaang lungsod na mapanagot ang mga salarin, gaano man katagal ang abutin.

“Basta mga Batang Maynila, kung may nang-api, nang-abuso, o nambiktima sa inyo, rest assured that your city government, with the help of the Manila Police District, will go after them and bring them to justice,” dagdag pa niya.

(JOCELYN DOMENDEN)

63

Related posts

Leave a Comment