HVT SA NEGROS NADAKIP NG PDEA

ISANG high value target ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa Brgy. Salvacion, Murcia, Negros Occidental. Base sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Under Secretary Isagani Nerez, pagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA RO NIR-Regional Special Enforcement Team (PDEA RO NIR-RSET), katuwang ang Murcia Municipal Police Station (Murcia MPS) at CGIU–NNOC, sa Brgy. Salvacion, bayan ng Murcia. Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa isang high-value target (HVT) na kinilalang si alyas “Yummie”, 38-taong gulang, at…

Read More

DRUG DEN NABUWAG, MAINTAINER AT MGA KASABWAT ARESTADO

NAGSAGAWA ng buy-bust operation ang magkasanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug den maintainer at tatlong kasabwat sa Barangay Digal, Buluan, Maguindanao del Norte. Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, katuwang ang PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, PDEA Regional Intelligence Section, Regional Special Enforcement Team, Land Transportation and Interdiction Unit, PDEU MDS/4th Platoon 2nd PMFC, 21st Mechanized Company 2nd Mechanized Battalion, 3MP 2nd PMFC PPO, at Buluan Municipal Police Station. Nabuwag ang natumbok na…

Read More

PERSONAN NON GRATA HILING PARA SA BOKAL NG CALAUAN, LAGUNA

TINALAKAY ng Sangguniang Bayan ng Calauan, Laguna ang panukalang pagdedeklara bilang persona non grata kay Laguna Board Member Karla Adajar-Lajara. Ayon sa ilang civil society organizations, ang panukala ay kaugnay ng umano’y hindi angkop na pahayag ng bokal laban kay Mayor Roseller “Osel” Caratihan, na anila’y hindi naaayon sa pamantayan ng asal ng isang halal na opisyal. Sinabi naman ng alkalde na nag-ugat ang isyu matapos ang inspeksyon ni Adajar sa isang national road na hindi umano naipagbigay-alam sa lokal na pamahalaan. Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Adajar na ang…

Read More

BARMM BILL 149, TINAWAG NA ANTI-KABABAIHAN

LUMAHOK ang mga kinatawan ng kababaihan sa nagkakaisang hanay ng 54 na sektoral na organisasyon nang ilunsad nila ang kilos-protesta sa Cotabato City upang kondenahin ang “diskriminatoryong” mga amyenda sa BARMM Poll Code. UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) na busisiin at ibasura ang mga probisyong anila’y diskriminatoryo sa panukalang amyenda sa Bangsamoro Electoral Code (BEC). Sa petisyong isinumite sa BTA, iginiit ng 54 na organisasyon na ang BTA Bill 149 ay naglalaman ng mga probisyong “lubhang katutol-tutol,…

Read More

1.7 MILYONG BATA SA MINDANAO, TARGET BAKUNAHAN KONTRA TIGDAS AT HANGIN-SIPON

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 1.7 milyong bata sa Mindanao laban sa tigdas at hangin-sipon (rubella) upang maiwasan ang posibleng komplikasyon, pagkaospital at pagkamatay. Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit isang milyong bata na ang nabakunahan sa unang linggo ng Ligtas-Tigdas vaccination campaign. Patuloy ang pagbabakuna ngayong linggo upang maabot ang mga batang wala pang sapat na proteksyon laban sa sakit. Hinimok ng DOH ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health centers para sa iskedyul ng pagbabakuna. Inaasahang maglalabas ang DOH ng updated na resulta ng…

Read More

DLSU GROWTH WARNING, DAPAT TUTUKAN NG PAMAHALAAN — FFCCCII

LUBHANG ikinaalarma ng sektor ng negosyo ang inilabas na economic forecast ng De La Salle University (DLSU) na 4.5% growth lamang para sa 2026, malayong-malayo sa 6.8% growth target ng pamahalaan. Ayon sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), nagsisilbi itong malinaw na babala sa direksiyon ng ekonomiya ng bansa. “This pace, below our nation’s potential,” pahayag ni FFCCCII President Victor Lim, kasabay ng panawagang kailangan ang mabilis at sama-samang pagtugon mula sa pamahalaan at pribadong sektor. Binanggit ni Lim na malayo rin ang mga…

Read More

MGA PAGTATANGKA VS SHARIFF AGUAK MAYOR, POSIBLENG MAGKAUGNAY — PNP

MASUSI nang nagsasagawa ng background check ang Philippine National Police sa mga napatay na suspek sa pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan sa Maguindanao del Sur. Ito ay kasunod ng pahayag ng alkalde na posibleng magkakaugnay ang apat na magkakahiwalay na pagtatangka sa kanyang buhay. Ayon kay PBGen. Randulf Tuaño, hepe ng PNP Public Information Office, binuo ang Special Investigation Task Group (SITG) upang mangalap ng forensic evidence at tukuyin kung ang mga salarin ay mga hired killer. Inatasan din ni PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez…

Read More

PAGTATAKIP NG MUKHA SA PUBLIKONG LUGAR, BAWAL NA SA PARAÑAQUE

MAHIGPIT nang ipagbabawal sa Parañaque City ang pagsusuot ng helmet, mask, at iba pang pantakip sa mukha sa loob ng mga establisyimento at pampublikong lugar. Ito ay matapos aprobahan ang City Ordinance No. 2025-30 (69) o Anti-Face Concealment Ordinance of Parañaque City, na inakda ni Councilor Pablo Olivarez II at nilagdaan ni Mayor Edwin Olivarez noong Nobyembre 13, 2025. Saklaw ng pagbabawal ang pagsusuot ng helmet, bonnet, ski mask, balaclava, full-tint face shield, industrial mask, at iba pang katulad na pantakip sa mukha sa mga establisyimentong pangkomersyo, gobyerno, edukasyon, at…

Read More

QCPD NAGLUNSAD NG AUDIO CRIME TIPS SA SM NORTH

KAUNA-UNAHAN nang ipinatupad ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpapatugtog ng audio-recorded crime prevention tips sa loob ng SM North EDSA bilang bahagi ng Oplan Bandillo. Sa ilalim ng pamumuno ni QCPD Director PCOL Randy Glenn Silvio, isinagawa ng Project 6 Police Station 15, sa pangunguna ni PLTCOL Dave Anthony Capurcos, ang inisyatiba noong Enero 24, 2026 sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City. Pinangunahan ng SCADS at beat patrollers ang pagpapatugtog ng mga paalala sa pamamagitan ng public address system upang turuan ang mga mall-goers sa pag-iwas sa krimen…

Read More