INSTANT milyonaryo ang dalawang mananaya matapos mahulaan ang winning combination ng UltraLotto 6/58 sa draw noong Linggo ng gabi. Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, tumama ang kombinasyong 39-37-04-11-02-09 na may kabuuang jackpot na ₱284,636,402.80. May 19 pang mananaya ang nakakuha ng tig-₱120,000 matapos mahulaan ang limang numero. Nabili umano ang mga masuwerteng tiket sa Castillo St., Baliwasan, Zamboanga City, at sa Romulo Highway, Poblacion Norte, Tarlac City. Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Upang makuha ang premyo, kailangang dalhin ang winning…
Read MoreDay: January 26, 2026
GOITIA: KARAPATAN NG PILIPINAS SA WPS PINATITIBAY NG BATAS
MULING uminit ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng palitan ng pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng pamahalaan at ng Chinese Embassy, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng umano’y pagtulong ng Chinese Navy sa isang Pilipinong mangingisda. Sa gitna nito, binatikos ni Dr. Jose Antonio Goitia ang mga lumulutang na interpretasyon na umano’y pumapabor sa naratibo ng China at, ayon sa kanya, “nagbabaluktot sa umiiral na batas internasyonal.” Tinukoy ni Goitia ang kolum ni Charlie V. Manalo na nagsaad na wala umanong legal na batayan ang terminong West…
Read MoreNAMAMALIMOS NG LIKES, SHARE, FOLLOW SA SOCIAL MEDIA
DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMING nakadudurog ng puso na mga post sa social media hinggil sa kalagayan ng marami nating kababayan na nasa probinsya na namamalimos ng likes, share at follow para magkaroon sila ng konting bayad mula sa meta. Napapa-like at share ang netizens sa kanilang post dahil sa awa sa kanilang abang kalagayan para kahit papaano ay matulungan silang i-monetize ang kanilang post o content at makatulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Hanggang ngayon ay marami ang namamalimos pa rin sa lansangan at pera ang hinihingi nilang…
Read MoreGARAPALAN SA OPIS NI SECGEN GARAFIL
PUNA ni JOEL O. AMONGO OBYUS na pinipigilan ng ilang mga opisyal ng Secretary General (SecGen) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, na malaman ng mga Pilipino ang katotohanan na bumabalot sa kontrobersiya ng korupsyon sa kasalukuyang administrasyon. Ito ay matapos na tanggihan ng isang opisyal ng SecGen ang inihaing impeachment ng grupo ni Atty. Ferdinand Topacio laban kay Pangulong Junjun Marcos, Jr. kamakailan. Ang ihahaing impeachment sana ng grupo ni Atty. Topacio ay tinaguriang “impeachment ng bayan laban kay BBM” dahil ito ay maituturing na pinakamalakas at posibleng magpababa mula…
Read MoreMAIP ‘DI NA DAPAT PINADARAAN SA MGA POLITIKO
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG ako ang tatanungin, hindi na kailangang padaanin pa sa mga politiko ang alokasyon ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) para sa 2026 National Budget. Bakit padaraanin pa sa mga politiko, para magkaroon ng utang na loob ang mga Pilipino sa kanila? Umani ng batikos ang Department of Health (DOH) matapos lumutang ang mga dokumentong umano’y naglalantad na ang pinakamalaking alokasyon ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) sa panukalang 2026 National Budget, ay napunta kay Senator Christopher “Bong” Go. Batay sa ulat,…
Read MoreHUNGER, POVERTY RATE SA PINAS BUMABA SA TULONG NG WALANG GUTOM PROGRAM — MALACAÑANG
SINABI ng Malacañang na bumaba ang hunger incidence at poverty self-rating sa hanay ng mga Pilipino bunsod ng social protection programs ng administrasyong Marcos, partikular ang Walang Gutom Program na pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, welcome sa pamahalaan ang pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng pagbaba ng involuntary hunger sa buong bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang kapakanan ng pinaka-vulnerable sectors. “Ang hunger…
Read MorePAGPAPAOPERA NI PBBM, FAKE NEWS – PALASYO
PINABULAANAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang kumakalat na post online na nagsasabing ooperahan ang Pangulo matapos umanong ma-diagnose ng diverticulitis. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang katotohanan ang naturang mga ulat. “Wala pong ganoong balita na maibibigay po tayo dahil ngayon po ang Pangulo ay nasa meeting. So, ‘yan po ay fake news,” diin ni Castro sa press briefing sa Malacañang. Sinabi ni Castro na kasalukuyang dumadalo ang Pangulo sa Economy and Development Council (EDC) meeting kasama ang kanyang economic team, patunay na maayos…
Read More15 CREW NG MV DEVON BAY, NAKABALIK NA NG MAYNILA; KAPITAN KASAMA SA 4 NA NAWAWALA
NAKABALIK na sa Maynila kahapon ng umaga ang 15 Filipino seafarers na nasagip mula sa lumubog na Singaporean-flagged cargo vessel na MV Devon Bay sa karagatang malapit sa Bajo de Masinloc. Dumating ang mga crew bandang 5:00 ng umaga sa Port Area, Maynila sakay ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG). Sakay rin ng barko ang dalawang nasawing seaman. Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, maayos ang naging koordinasyon sa pagitan ng PCG at China Coast Guard sa search and rescue operations. “Ang buhay ng tao…
Read MoreBBM RESIGN, PINALITAN NG ‘IMPEACH BBM’
MULA sa panawagang “BBM resign,” tuluyan nang lumipat sa “Impeach BBM” ang panawagan ng grupo ni dating Congressman Mike Defensor, kasabay ng ikinakasang caravan at motorcade sa EDSA ngayong Sabado. Ayon kay Defensor, naniniwala ang kanilang grupo na wala na umanong kakayahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang bansa. Kahapon, hindi na bumalik sa Kamara ang grupo ni Defensor upang muling ihain ang ikatlong impeachment complaint laban sa Pangulo. Anila, ayaw nilang maging bahagi ng umano’y “moro-morong impeachment process.” Gayunman, itutuloy ng grupo ang plano nilang motorcade…
Read More