Makalipas ang siyam na taon MARAWI SIEGE: 300 PA RIN ANG MISSING — ICRC

SIYAM na taon matapos ang 2017 Marawi siege, nasa 300 katao pa rin ang hindi natatagpuan, ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC). Patuloy umanong hinahanap ng kanilang mga pamilya ang mga nawawala na pinaniniwalaang nasawi sa armadong hidwaan sa Marawi. Nitong nakaraang taon, naglabas ng fatwa ang BARMM Darul Ifta na nagpapahintulot sa paghukay ng mga labi sa Maqbara cemetery kasunod ng konsultasyon sa mga ulama. Ayon kay Aleem Ansary Abdulmalik, chairman ng Ulama Council ng Lanao del Sur, layunin ng paghuhukay na makilala ang mga labi…

Read More

18K ESTUDYANTENG BULAKENYO TUMANGGAP NG EDUCATIONAL AID

AABOT sa 18,000 estudyante sa Bulacan ang regular na tumatanggap ng educational assistance sa ilalim ng “Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo” scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan. Pinangunahan ni Gov. Daniel Fernando kasama si Vice Gov. Alexis Castro ang Scholarship Grant Payment para sa 1,900 benepisyaryo sa ginanap na general assembly sa Bulacan Capitol Gymnasium. Muling humarap sa publiko si Fernando, at pinasinungalingan ang kumalat sa social media na umano’y nagtatago siya dahil sa insidente ng pananakit kaugnay ng sinasabing road rage. Ang tulong ay P3,000 para sa mga naka-enroll sa…

Read More

HALOS P4.8-M NATANGAY SA PAMILYANG NILOOBAN, GINAPOS NG 6 ARMADO

TINUTUGIS ng pulisya ang anim na lalaki na sakay ng Toyota Fortuner matapos pasukin at looban ang isang bahay sa subdivision sa Imus kamakalawa ng madaling araw. Ayon sa biktimang si alyas “Marie,” 38, real estate sales officer at residente ng Legian 1 Subdivision, Brgy. Carsadang Bago, dakong alas-3:10 ng umaga nang sirain ng mga suspek ang padlock ng gate at pasukin ang kanilang bahay. Igina­pos umano ang biktima, ang kanyang asawa at anak gamit ang tali at tinakpan ng adhesive tape ang kanilang mga bibig bago tinangay ang tinatayang…

Read More

MAG-AMA BINARIL NG EX-KAGAWAD; 6-ANYOS PATAY

PATAY ang isang 6-anyos na bata matapos pagbabarilin ng dating barangay kagawad ang mag-ama sa Silang kamakalawa ng gabi. Isinugod pa sa Tagaytay Medical Center ang mag-amang sina alyas “Sab,” 35, caretaker, at anak nitong si alyas “Ruel,” 6, kapwa residente ng Brgy. Pasong Lanka, ngunit binawian ng buhay ang bata dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis ngayon ang suspek na si alyas “Elpedio,” 68, residente ng Brgy. Ulat at dating barangay kagawad sa ibang barangay. Sa ulat ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi nang…

Read More

CHINA WARSHIP BUMUNTOT SA PH-US-JAPAN DRILLS SA WPS

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines na may namataang warship ng China na bumubuntot sa isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas, United States at Japan sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Xerxes Trinidad, minonitor nila ang presensya ng PLA Navy vessel na may bow number 174 sa paligid ng exercise area. Isinagawa ang apat na araw na joint drills mula Pebrero 23 hanggang 26 at ito ang unang pagkakataon na umabot sa katubigan ng hilagang Batanes ang MMCA. Sinabi ng AFP…

Read More

P102-M KITA NG ADUANA SA DISCAYA CARS; LUXURY VEHICLES NI ZALDY CO, ISUSUBASTA RIN

UMABOT sa mahigit P102 milyon ang nalikom ng Bureau of Customs mula sa subasta ng mga luxury vehicles ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya na idinadawit sa multi-bilyong flood control controversy sa DPWH. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa transparency at pananagutan, siyam sa 13 nakumpiskang sasakyan ng mag-asawa ang naisalang sa subasta. Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ibinabalik sa Bureau of the Treasury ang pondo upang magamit sa mga programa ng pamahalaan. Sa 12 sasakyang inialok noong Pebrero 25, pito…

Read More

’18 EX-SUNDALO’ SINISILIP NG NBI AT OMBUDSMAN

ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at ng Office of the Ombudsman ang rebelasyon ng 18 nagpakilalang dating sundalo na umano’y tauhan ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago Matibag na iniimbestigahan na nila ang grupo matapos ang press conference kung saan nagbunyag ang mga ito ng seryosong akusasyon laban sa ilang opisyal at personalidad. Ayon kay Matibag, kailangang busisiin ang kredibilidad ng mga nagpakilalang ex-soldiers at alamin ang kanilang background upang matukoy ang bigat ng kanilang testimonya. “May epekto…

Read More

PNP SINISILIP KUNG MAY SINDIKATO SA LIKOD NG DAYUHANG GUN DEALERS

TINITINGNAN ng Philippine National Police kung may koneksyon sa mas malaking gun-running syndicate ang dalawang dayuhan na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na ng masusing balidasyon ang intelligence units para matukoy kung bahagi ng sindikato ang dalawang suspek at kung sino pa ang kanilang kasabwat. Naaresto ang isang 39-anyos na Chinese national at isang 33-anyos na Taiwanese national sa operasyon ng CIDG-Southern Metro Manila District Field Unit sa loob ng isang restaurant sa J.W. Diokno Boulevard noong Pebrero…

Read More

QC HALL OF JUSTICE BINULABOG NG BOMB THREAT

RUMESPONDE ang Quezon City Police District sa napaulat na bomb threat sa loob ng Quezon City Hall of Justice sa Brgy. Central, Quezon City nitong umaga ng Pebrero 27. Dakong 8:48 a.m., nakatanggap ng text message ang isang clerk-in-charge hinggil sa umano’y banta ng bomba. Agad na nagsagawa ng area monitoring ang Kamuning Police Station 10 habang nagpanel at sweeping operations ang QCPD Explosive Ordnance Disposal Unit. Bandang 11:05 a.m., idineklarang negatibo sa anomang pampasabog ang gusali matapos walang makitang mapanganib na materyales. Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Quezon City…

Read More