SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Budget and Management (DBM) na ibaba sa 3% ng national budget ang cap para sa unprogrammed appropriations (UAs). Sinabi ni Castro na layunin ng DBM na magpatupad ng mas maingat at disiplinadong fiscal approach, batay sa historical data at fiscal trends. Binabalangkas na rin ang Philippine Budgeting Code na magtatakda ng malinaw na parameters sa paggamit at pagpapalabas ng unprogrammed funds upang maiwasan ang discretionary spending at mapalakas ang fiscal discipline. Ang panukala ay isusumite sa economic team, Executive…
Read MoreDay: March 1, 2026
PAGTUGIS KAY ZALDY CO, IBA PANG PUGANTE TINIYAK NA PATULOY
PATULOY ang operasyon ng pamahalaan laban sa mga pugante na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, kabilang si dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa International Criminal Police Organization upang matukoy ang kinaroroonan ni Co. “So, ngayon may pending po tayong request for cooperation ng Interpol,” ani Castro, kasabay ng pakiusap sa publiko na huwag mainip dahil multiple agencies ang kumikilos sa kaso. Dagdag pa niya, may ilang kaso na ang naisampa o may…
Read More‘MALETA’ ISSUE IKINABIT NG MALACAÑANG SA DESTAB PLOT
NANINIWALA ang Malacañang na maaaring ginagamit lamang ang isyu ng umano’y “maleta” at ang paglutang ng 18 dating Marines upang patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. “Malamang!” ito ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin kung may destabilisasyon sa likod ng alegasyon na may naihatid umanong “kickbacks” sa Pangulo at iba pang opisyal. Gayunman, inamin ni Castro na wala silang partikular na impormasyon hinggil dito. “Pero wala po tayong partikular na impormasyon patungkol diyan. Kung anong nais nila, hindi…
Read MoreREORGANISASYON NG DPWH ISINUSULONG SA SENADO
ISINUSULONG ni Senate President Vicente Sotto III ang panukala upang ire-organize ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Inihain ni Sotto ang Senate Bill No. 1835 o An Act Reorganizing the DPWH and Rationalizing the Powers and Functions of the Central, Regional, and District Offices. Layon nitong palakasin ang transparency, efficiency, at accountability sa public infrastructure governance. Ipinaliwanag ni Sotto na mahalaga ang public infrastructure sa nation-building dahil nakapagbibigay ito ng employment at nasosolusyunan ang mga pangangailangan tulad ng ligtas na kalsada, mga tulay, flood control systems at iba…
Read MoreISKO: FORTRESS TO FOREST PARK
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Martes, Pebrero 24, ang groundbreaking ceremony para sa Binondominium 2 sa San Nicolas, na siyang ikaanim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno, nangakong tuloy-tuloy ang pabahay para sa maralitang taga-Maynila. Itatayo ang bagong gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 metro kuwadrado. Magkakaroon ito ng 98 residential units na may sukat na tig-40 metro kuwadrado bawat isa. Bawat unit ay may dalawang silid-tulugan, palikuran…
Read MoreILANG PAGLILINIS PA KAILANGAN PARA LUMINIS ANG PNP?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAULIT-ULIT na lang ang pangako ng Philippine National Police (PNP) sa tuwing magpapalit ito ng liderato na magkakaroon ng paglilinis sa kanilang hanay. Pero mukhang puro salita lang, hanggang press release ika nga. ‘Yung babala sa tiwali o bugok sa kanilang hanay tila pagkatapos ng camera flashes, nagkalimutan na. Hanggang ngayon, marami pa ring pulis ang nasasangkot sa karumal-dumal na krimen. May sangkot sa rape, pagpatay, kidnapping, pagnanakaw, extortion, etc. Taliwas sa kanilang motto na “to serve and protect,” ang naririnig ng taumbayan. Sa halip na…
Read MoreALEGASYON NG 18 EX-MARINES MAY MATINDING IMPLIKASYON
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS MAY matinding implikasyon sa bansa ang alegasyon ng 18 ex-marines laban sa kasalukuyang gobyerno, lalo na kung ito ay totoo. Kung mapatutunayan, ito ay magpapahiwatig ng malawakang korupsyon at pag-abuso sa kapangyarihan sa loob ng gobyerno. Magugunitang inihayag ng nasabing mga dating miyembro ng Philippines Marines na naghatid sila ng male-maletang pera kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, at iba pang mga opisyal ng gobyerno, na kickback umano mula sa maanomalyang flood control projects. Umabot umano ang nasabing halaga…
Read More