NAGKASA ng apat na araw na tigil-pasada ang mga driver at operator ng Cavite Zapote Naic Tanza Transport Service Cooperative (CZNTTSC) bilang protesta sa umano’y panggigipit sa kanilang hanay. Ayon sa grupo, hindi papasada ang kanilang mga jeep sa Cavite City mula Marso 11 hanggang Marso 15. Gayunman, mananatiling bukas ang kanilang biyahe sa ibang ruta gaya ng Noveleta hanggang Naic at Zapote at vice versa. Paliwanag ni Marcus Copino, chairman ng CZNTTSC, napilitan silang magprotesta matapos ipasara ang kanilang terminal sa Barangay 13 Lawin Terminal dahil hindi umano nila…
Read MoreDay: March 11, 2026
PONDO SA REPATRIATION NG OFWs HANDA NA — DMW, OWWA
TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa House of Representatives na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa agarang repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sakaling lumala ang tensyon sa Gitnang Silangan. Sa joint hearing ng House Committees on Foreign Affairs at Overseas Workers Affairs, sinabi ni Hans Leo Cacdac, kalihim ng DMW, na nakahanda ang Aksyon Fund ng ahensya na nagkakahalaga ng ₱200 milyon, bukod pa sa ₱800 milyon na maaaring kunin sa Department of Budget and Management. “The funds…
Read MoreBOC, PDEA NASABAT P1.2-B HALAGA NG MARIJUANA
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Coast Guard (PCG), ang tinatayang 800 kilo ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon sa Manila International Container Port (MICP). Isinagawa ang operasyon matapos ipatupad ng BOC ang mas mahigpit na inspection protocols at risk profiling measures sa mga inbound shipment sa pantalan. Nadiskubre ang kontrabando matapos ang isinagawang 100 porsiyentong physical examination sa isang shipment na dumating sa MICP noong nakaraang linggo. Ayon sa BOC, nagmula sa Thailand ang shipment na idineklarang…
Read MoreMGA PROGRAMA NG DSWD SA QUEZON, PINURI NG MGA LOKAL NA OPISYAL
PINURI ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ng Quezon ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian kasunod ng pagbisita nito noong Martes, Marso 10. Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan ng DSWD sa local government units (LGUs) upang mas mapalakas ang pagpapatupad ng mga programang pang-social welfare at development. Isinagawa ni Gatchalian ang inspeksyon sa iba’t ibang proyekto ng DSWD alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking maayos ang pagpapatupad…
Read MoreVILLAR NABABAHALA SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS; SUPORTADO MGA HAKBANG PARA MAPAGAAN EPEKTO SA PILIPINO
IKINABABAHALA ni Senador Mark A. Villar ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gasolina at ang magiging epekto nito sa mga pamilyang Pilipino sa buong bansa. “Alam natin na mabigat sa bulsa ng ating mga kababayan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at krudo. Kaya mahalagang mapag-aralan kung ano pa ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito sa ating mga mamamayan, lalo na sa sektor ng agrikultura at transportasyon,” ani Villar. Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, posibleng tumaas ng humigit-kumulang ₱17 hanggang…
Read MoreP5K FUEL SUBSIDY SA DRIVERS ILALABAS NA NEXT WEEK
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pamamahagi ng P5,000 fuel subsidy para sa mga pampasaherong driver na naapektuhan ng pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan. Upang mapabilis ang implementasyon, pinulong ni Executive Secretary Ralph Recto, ang mga alkalde ng Metro Manila upang plantsahin ang distribusyon ng tulong. “Bilang mayors, kayo ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng mga tricycle at jeepney drivers sa inyong mga lungsod. Kaya mahalaga ang ating pagtutulungan,” pahayag ni Recto. Magsisimula na sa susunod na…
Read MorePBBM: ‘PINAS KUMIKILOS PARA MA-EXTRADITE SI ZALDY CO
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga awtoridad ng Portugal upang mapadali ang posibleng pagbabalik sa bansa ni dating cong. Zaldy Co. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinakailangan ang kooperasyon ng bansang kinaroroonan ni Co dahil walang hurisdiksyon ang mga awtoridad ng Pilipinas na arestuhin siya sa ibang bansa. “You cannot bring him home because that is not the way it works. We have to ask the assistance of the country where he is in, which is presently Portugal,” pahayag ng Pangulo sa panayam sa New York City.…
Read MorePETISYON SA DUTERTE CUSTODY PINAAAKSYUNAN SA SC
KINALAMPAG ni Senador Robin Padilla ang Supreme Court upang agarang aksyunan ang mga petisyong may kaugnayan sa custody ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kaso nito sa International Criminal Court (ICC). Kasama ang grupong “Tay, Kami Naman Movement,” nagtungo si Padilla sa SC nitong Martes upang suportahan ang muling pagsusumite ng signature campaign ng mga tagasuporta ni Duterte. Ayon sa senador, umaabot na sa 238,561 Pilipino ang lumagda sa petisyon na humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa mga nakabinbing kaso hinggil sa pagbabalik ng dating pangulo.…
Read More