PNP TINIYAK PARUSA SA BARUBAL NA PULIS

NAGBABALA si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na mahaharap sa parusa ang sinomang hindi maayos magserbisyo o walang galang sa publiko. Inilabas ng PNP chief ang babala kasunod ng pag-viral sa social media ng isang kawani ng Migrant Workers Office na umano’y nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang overseas Filipino worker. Pinayuhan ni Nartatez ang police frontliners na panatilihin ang propesyonalismo at respeto sa pakikitungo sa publiko. Aniya, may kaukulang parusa ang sinomang pulis na mapatutunayang bastos o hindi maayos ang…

Read More

FRASCO TAGILID NA SA DOT

SA gitna ng mga batikos, sinabi ng Malacañang na patuloy pang ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Gayunman, nagpahiwatig si Claire Castro, Palace Press Officer at undersecretary ng Presidential Communications Office, na posibleng may anunsyo sa Malacañang ngayong araw. “Malamang bukas ay mayroon tayong announcement,” ani Castro sa press briefing. Nang tanungin kung may pagbabago sa liderato ng Department of Tourism, sagot niya: “Puwedeng oo, pwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.” Hindi rin niya kinumpirma kung si Commercial…

Read More

BAGONG OIL SUPPLIERS HANAP NG PH SA GITNA NG MIDDLE EAST TENSION

NAGHAHANAP na ang Pilipinas ng ibang bansa na mapagkukunan ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Sa panayam ng media sa New York City, sinabi ng Pangulo na kasalukuyang nakikipag-usap ang gobyerno sa mga bansang hindi karaniwang pinagbibilhan ng Pilipinas ng langis. “In terms of supply, we are in good shape. Not only do we have inventory in the Philippines, we also are awaiting some supplies that are already in transit,” ani Marcos. “We are talking to many other countries…

Read More

20.5 KILO NG SHABU NADISKUBRE SA KETCHUP AT MAYONNAISE CONTAINERS

NADISKUBRE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ketchup at mayonnaise containers ang tinatayang nasa 20.5 kilo ng crystal meth o shabu makaraang madakip ang dalawang hinihinalang kasabwat ng isang bigtime drug syndicate, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkoles. Tinatayang nasa P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service, katuwang ang PDEA Regional Office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group. Naaresto ang dalawang high-value…

Read More