Isko nagpasalamat kay PBBM: 3,700 seniors sa Maynila, May P10K ayuda

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAPAT parusang kamatayan ang iparusa sa human trafficking, online sex exploitation ng mga bata at menor de edad, ‘di ba? Batay sa RA 1193, life imprisonment ang pinakamabigat na parusa, at P500K hanggang P10-milyon ang penalty sa convicted trafficker. Sana i-consider ito ng ating mambabatas, kasi ang isang biktima, halimbawa isang 15-anyos na batang babae na bukod sa inaalila na ay pinagsasamantalahan pa, ito ay isang continuing crime, paulit-ulit na pagdungis hindi lang sa pisikal na katawan ng biktima, kundi pati rin sa kaluluwa…

Read More

WALANG KAYOD, MAY KRISIS PA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAHAL ang gas. Tumaas ang presyo ng mga bilihin, kasama ang bigas. Tapos, kasama ka pa sa 2.96 milyong Pilipino na walang trabaho. Ayan, umakyat sa 5.8 porsyento o 2.96 milyong Pilipino ang naitalang walang trabaho o pinagkakakitaan nitong Enero 2026, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority. Mas mataas ito sa 4.4% na naitala noong Disyembre kung saan 2.26 milyon ang walang trabaho. Ang pagtaas daw ng bilang ng walang trabaho nitong Enero ay dahil sa paghina ng kinakailangang manggagawa matapos ang holiday. Iba talaga…

Read More

BATAN DISTRICT HOSPITAL, BAGONG PAG-ASA PARA SA KALUSUGAN NG RAPU-RAPU – GOV. NOEL ROSAL

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG mahalagang yugto sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Albay ang inaasahang pagbubukas ngayong Abril ng Batan District Hospital. Ito ang kinumpirma ni Albay Gov. Noel Ebriega Rosal sa flag-raising ceremony noong Lunes. Aniya, ang ospital ay layong mas mapabilis at mas mapalapit ang serbisyong-medikal sa mamamayan, lalo na sa mga nakatira sa geographically-isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Ang bagong pasilidad ay idinisenyo para sa 80-bed capacity at ihahanda na may modernong kagamitan tulad ng x-ray machine at laboratory services. Bukod sa pisikal na estruktura,…

Read More

ANAK NI ROMEO ACOP WAGI SA SPECIAL POLLS SA ANTIPOLO

NANALO sa isinagawang special election ng Commission on Elections (Comelec) si Philip Conrad Acop, anak ng namayapang Romeo Acop, upang punan ang nabakanteng puwesto bilang kinatawan ng Antipolo City 2nd District. Iprinoklama si Acop bilang bagong kongresista ng distrito matapos makapagtala ng landslide victory sa special election na ginanap noong Marso 14, 2026. Sa panayam, nagpasalamat si Acop sa 60,051 botante na sumuporta sa kanyang kandidatura. Nakakuha naman ng sumusunod na boto ang kanyang mga katunggali: Reden “Red” Llaga – 12,054; Irvin Paulo “Paui” Tapales – 10,080; Nathaniel “Atty. Nat”…

Read More

Hinintay magbukas TINDAHAN NILIMAS NG HOLDAPER

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang riding in tandem na nangholdap at tumangay sa kita at cellphone ng isang tindahan sa bayan ng Tanza noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng umaga nang magbukas ang isang tindahan sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nang pumarada ang isang motorsiklo. Pumasok, tinutukan ng baril ang kahera at nagdeklara ng holdap ang mga suspek at tinangay ang P3,000,00 cash na kita ng tindahan at isang cellular phone ng kahera na P10,000.00 ang halaga. Pagkaraan ay sumibat ang mga…

Read More

PNP MAS PINAIGTING KAMPANYA KONTRA STREET CRIMES

TINIYAK ng Philippine National Police na higit pa nilang palalakasin ang operasyon laban sa street-level crimes matapos maaresto ang dalawang suspek sa pagpatay sa tatlong cellphone technicians sa Cagayan. Sa pinaigting na kampanya laban sa mga krimen sa lansangan, ay na-recover sa operasyon ang ilang baril, bala, at tactical gear. Ayon kay PNP chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa pinaigting na laban kontra street crimes ay mahalaga ang tiwala at pakikipagtulungan ng komunidad para sa mabilis na pagresolba ng kaso. Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Nartatez, ang pagkakaaresto sa…

Read More

2 BIG TIME DRUG PUSHER NADAKIP NG PDEA AT PNP

LAGLAG ang dalawang itinuturing na mga bigtime pusher sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Sulu Provincial Office (PDEA‑SPO), katuwang ang mga pulis sa Barangay Canelar, Zamboanga City. Ayon sa ulat na isinumite sa punong himpilan ng PDEA sa Quezon City, nagkasa ng buy-bust operation sa labas ng isang hotel noong Sabado na nagresulta sa pag-aresto sa dalawang indibidwal at pagkakasabat ng humigit‑kumulang 500 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may tinatayang standard na halaga na P3,400,000.00. Ayon kay Director III Bryan B. Babang ng PDEA‑SPO,…

Read More

1 KILO SHABU HULI NG PDEA SA HVT

ISANG pinaniniwalaang high value drug personality ang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta sa pagsamsam ng isang kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Zamboanga City na may standard market value na P6,800,000.00, ayon sa ulat ng PDEA. Kinilala ang nadakip na bigtime drug personality na si K “Brandon”, residente ng Zamboanga City. Narekober mula sa pag‑iingat ng suspek ang isang resealable plastic bag na naglalaman ng puting kristalinang substansiya na hinihinalang shabu na may bigat na humigit‑kumulang 1 kilo (buy‑bust); at ang ginamit na…

Read More

P28.2-M SHABU NASABAT SA CROATIAN NATIONAL SA NAIA

ISANG Croatian national ang inaresto ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group matapos mahulihan ng mahigit apat na kilo ng crystal meth o shabu sa kanyang bagahe. Kinilala ang banyaga na si alyas “Neri,” 48-taong gulang, dumating sa Pilipinas mula sa Johannesburg, South Africa na may connecting flight mula Hong Kong. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, katuwang nila ang Bureau of Customs sa pag-aresto sa Croatian national matapos matagpuan sa isinagawang anti-narcotics interdiction ang ipinagbabawal na droga na nakatago sa loob ng isang beige na bagahe na may label…

Read More