2028 PH ELECTIONS PUNTIRYA NG SLEEPER AGENTS NG CHINA

NAGBABALA ang isang security analyst sa maaaring impluwensiya na dulot ng presensya ng Chinese “sleeper agents” sa Pilipinas sa 2028 elections.

Maaari kasi nitong mahubog ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea dispute.

Sinabi ni Chester Cabalza, pangulo ng Think tank International Development and Security Cooperation, sa isang news forum sa Quezon City na “the Philippines’ openness and democratic system makes it vulnerable to infiltration” sabay sabing ang foreign operatives ay madalas dumating sa “different forms” at maaaring maging mahirap makita ang kaibahan mula sa lokal.

“They look like us. What I can say is, they are all over our country,” aniya pa rin, inilarawan ang mga ahente bilang operatiba na may kakayanan na i-penetrate ang lipunan ng Pilipinas, kabilang na ang ‘political institutions at infrastructures.

Sinabi pa ni Cabalza na ipinilit ng mga operatiba sa kanilang sarili na mag-aral ng Philippine politics bilang “strategic foresight” para sa 2028 presidential elections.

Sinabi naman ng National Security Council (NSC) na mahigpit nitong binabantayan ang mga ulat hinggil sa di umano’y sleeper agents sa bansa.

Sinabi pa ni Cabalza na ang mga ahenteng ito ay nangongolekta ng impormasyon na may “strategic implications” para sa West Philippine Sea, kung saan nananatili ang tensiyon sa pagitan ng Maynila at Beijing.

(CHRISTIAN DALE)

68

Related posts

Leave a Comment