21st Asian Junior Tenpin Bowling C’ships 16 PINOY PALABAN

MAPAPASABAK ang Philippine bowling team sa 21st Asian Junior Tenpin Bowling Championships sa Agosto 14-20 sa Blu-O Rhythm and Bowl sa Thailand.

Lilipad sa Agosto 13 ang 16 bowlers, na inaasahang makakakuha ng sapat na eksperiyensa sa kompetisyon na maaari nilang magamit sa mga darating pang international event.

“We will just be enjoying this tournament while gaining experience. But we have a good chance,” lahad ni head coach Biboy Rivera nitong Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Ang torneo ay kompetisyon para sa mga bowler edad 18 years and below.

Magbibigay ito ng dagdag ­exposure sa young Filipino ­bowlers kasunod ng tagumpay sa Hanoi SEA Games noong Mayo.

Winakasan ng Pilipinas ang 11-year gold medal drought sa SEA Games nang magwagi ng ginto sa men’s singles, team of four at women’s singles.

Kabilang sina Zach Ramin at Stephen Luke Diwa sa mga sasabak sa Thailand.

“I’m very excited and ­honored,” sambit ni Ramin, naka­base sa Singapore. Aniya, tatlong beses sa isang linggo ang kanyang training para sa kompetisyong lalahukan ng 13 bansa kabilang ang Singapore, Malaysia at Japan.

Para naman kay Diwa: “I can say that we have a good chance.”

Bibitbitin ng 17-anyos na si Diwa ang karanasang makapag-compete para sa Pilipinas dahil nanalo na siya ng gold sa men’s doubles ng IBF Under-21 World Championship sa Sweden nitong Hulyo.

Sa panig ni Ramin, kabilang siya sa Philippine youth team mula 2019 at nakasabak na rin sa Malaysia, Japan at Hong Kong.

Kasama rin sa boys’ team sina Justin Dinham, Kurt Anthony Capellan, John Raphael Besana, Sydmond Juille Vista, Kiel Andrey Barbosa at Christian Trespicio.

Habang sa girls team sina Michaela Jayne Gutierrez, Grace Ann Hernandez, Kassandra Denise Yap, Juliane Chelsea Santos, Kysha Nicole Agujo, Antonette Garcia, Nomie Juayne Rosario at Tracey Carlyn Tan.

Makakasama naman ni Rivera sa coaching staff sina Chris Batson, Billy Lopue, Ariel Yelo at Josephine Canare. (VT ROMANO)

178

Related posts

Leave a Comment