225 PINOY NAPAUWI MULA UKRAINE

UMABOT na sa 225 Pilipino ang napauwi sa Pilipinas mula Ukraine.

Ang pinakahuling batch ng repatriates, kinabibilangan ng 52 indibidwal ay dumating sa bansa, Sabado ng gabi.

“There are 98 Filipinos outside of Ukraine who are awaiting repatriation while “a little over a hundred” chose to stay in the eastern European country, either because of work or marriage to locals,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola.

Sinabi pa ni Arriola na may ilang Filipino seafarers ang nananatiling stranded sa Ukrainian ports dahil sa patuloy na labanan ng Russia at Ukraine.

“Nahihirapan lang talaga silang maka-evacuate dahil malakas iyong putukan kung saan sila nandoon,” aniya pa rin sabay sabing nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Philippine Overseas Employment Administration upang ligtas na makuha ang mga seafarers.

Sa kabilang dako, umapela naman si Arriola sa mga Pilipino na nasa Kyiv na lumikas na bago pa umabot ang labanan sa capital city.

“We are really appealing to them na sana lumikas na sila habang hindi pa kailangan talagang humingi ng humanitarian corridor [galing Kyiv],” aniya pa rin.

“Filipino officials will continue to wait for evacuees until they are allowed to stay in Ukraine,” dagdag na pahayag ni Arriola.

Tinatayang may 2.6 milyong katao, karamihan ay mga kababaihan at kabataan ang umalis na ng Ukraine simula nang atakihin ng Russia ang nasabing bansa tatlong linggo na ang nakalilipas. (CHRISTIAN DALE)

318

Related posts

Leave a Comment