27 NADAGDAG SA COVID CASES SA VALENZUELA

NADAGDAGAN ng 27 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City noong Enero 14, habang walo ang nadagdag sa Navotas at apat naman sa Malabon.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, sa loob ng 24 oras ay tumalon mula sa 128 bandang alas-5:00 ng hapon noong Enero 13 patungo sa bilang na 155 kinabukasan.

Umabot na sa 8,812 ang tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela. Sa bilang na ito ay 8,397 na ang gumaling at 260 ang namatay.

Sa Navotas naman ay 5,515 na ang nagpositibo sa COVID, sa bilang na ito ay 5,279 ang gumaling, 172 ang namatay at 64 ang active cases.

Samantala, ayon sa Malabon City Health Department, 6,167 na ang positive cases sa Malabon, 5,864 ang recovered patients, 67 ang active cases, at 236 na ang namatay.

Nobyembre 15 pa noong nakalipas na taon huling nagpaskil ng update sa COVID cases ang pamahalaang lungsod ng Caloocan.

Noong Enero 13 ay 20 ang nadagdag sa active cases sa Valenzuela. (ALAIN AJERO)

142

Related posts

Leave a Comment