2ND WIN TARGET NG PETRON, F2

TATARGET ang reigning champion Petron at F2 Logistics ng ikalawang sunod na panalo sa magkahiwalay na sagupaan ngayon sa Philippine Superliga Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Susubukan ng Petron ang tikas ng powerhouse Cherry Tiggo sa alas-5:00 ng hapon, habang ang Cargo Movers ay haharapin ang hamon ng Cignal sa alas-7:00 ng gabi sa pagpapatuloy ng prestihiyosong women’s club tourney na suportado ng Cocolife, Cocogen, Sogo, Eurotel, Sweet and Fit Stevia, Team Rebel Sports at Genius Sports.

Bago ang nabanggit na dalawang laro, magpapang-abot muna sa alas-3:00 ng hapon ang Sta. Lucia at Marinerang Pilipinas.

Bagamat wala sa bench ng Cargo Movers ang head coach nitong si Ramil de Jesus dahil kinakailangan siya sa laro ng De La Salle sa UAAP, inaasahang hindi mababago ang fighting form ng tropa para itala ang ikalawang panalo.

Tinalo ng Cargo Movers, 25-21, 25-15, 25-13 ang PLDT Home Fibr noong Martes, kung saan pinangunahan nina import Lindsay Stalzer at Kalei Mau ang scoring sa tulong ng locals na sina Majoy Baron, Dawn Macandili at Aby Maraño.

“We need to have a more organized blocking and we have to improve our floor defense against Cignal,” lahad ni De Jesus, batid na kayang makipagsabayan ng Cignal sa anumang laban bunga ng presensiya nina veterans Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga kasama pa si Filipino-Hawaiian setter Alohi Robins-Hardy.

Nananatili namang team-to-beat ang Petron Blaze Spikers sa kabila nang pagkawala nina Mika Reyes, Denden Lazaro at Rhea Dimaculangan, matapos talunin noong nakaraang linggo ang Lifesavers, 25-22, 25-22, 25-21.

Malaking morale boost para kay Petron coach Emil Lontoc ang nasabing panalo para sa kanilang three-peat campaign, lalo na’t may mga bagong salta sa koponan na sina Ging Balse-Pabayo, Angela Nunag, Rebecca Rivera at Lutgarda Malaluan na pawang atat makatulong sa koponan.

““That win was a huge encouragement for our players since many our counting us out this season,” wika ng 70-year-old mentor. “I’m just telling them that we can do this. We have our import in Kat Bell to guide us.” (VT ROMANO)

138

Related posts

Leave a Comment