NADAKIP sa ikinasang anti-criminality operation ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6, ang tatlong indibidwal na naaktuhan habang nagsusugal ng “dice”, kabilang ang isang armado ng pen gun, sa Crisolita Street, Barangay 767, San Andres Bukid, Manila noong Sabado ng madaling araw.
Nadakip sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina “Sonny Boy”, 30; “James”, 20, at “Prince Dominic”, 23, pawang ng Sta. Ana, at Pandacan, Manila.
Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Virgilio Maboloc, kay Police Lieutenant Colonel Jason Aguillon, station commander, bandang 1:30 ng madaling araw nang maispatan ang tatlong lalaki na nagsusugal na nagresulta sa pagdakip sa mga ito.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling), habang may dagdag na kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) in Relation to Omnibus Election Code, si Sonny Boy na nakumpiskahan ng pen gun.
(RENE CRISOSTOMO)
291