3 ISINABIT SA DOLORES EX-VICE MAYOR SLAY

QUEZON – Tatlo katao ang isinangkot sa pag-ambush sa dating vice mayor ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa San Pablo City.

Ayon kay Col. Joewei Lucas, hepe ng San Pablo City Police, sinampahan ng kasong murder sa Office of the City Prosecutor ng San Pablo City noong Agosto 3 sina William Panganiban, 51; Orlando Ragudo, 43, at Rolando Risona, 44-anyos.

Sina Ragudo at Risona ang itinuturong gunmen, samantalang si Panganiban naman ang siya umanong nagmamaneho sa sinasakyang kotse ng mga ito nang tambangan si dating Vice Mayor Danilo Amat.

Ang mga suspek umano ay dating aides ni Amat, na positibong kinilala ng anim na testigo, ganoon din ng mga kaanak ng nito base sa kuha ng CCTV sa lugar ng krimen.

Sinabi pa ni Col. Lucas na may natukoy na silang mastermind subalit nangangalap pa sila ng marami pang impormasyon at ebidensya para mapalakas ang kaso laban sa mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

185

Related posts

Leave a Comment