3 KANDIDATO SA QC INIREKLAMO NG VOTE BUYING

INAKUSAHAN ng isang grupo si dating Quezon City congressman Jesus ‘Bong’ Suntay at dalawang city council candidate ng vote-buying sa pamamagitan ng tinatawag na networking scheme.

Mismong ang civic group na Quezon City Against Corruption (QCAC) ang naghain ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) Law Department nitong nakaraang Martes, na kung saan inakusahan si Suntay ng paglabag sa Omnibus Election Code.

Kasama sa inireklamo ang dalawang city council candidate na sina Miguel ‘Migz’ Suntay at Emmanuel ‘Kiko’ Del Mundo.

Base sa reklamo, inakusahan ang mga nabanggit ng “pyramid-like vote-buying operation” na kung saan ang bawat grupo na binubuo ng 8 katao ay binibigyan umano ng tig-₱1,000 kapalit ng pagrerecruit ng 8 botante.

“This as a vote-buying method disguised as a referral-based recruitment tactic,” ayon sa QCAC.

“Vote-buying is a grave offense under the Omnibus Election Code, punishable by one to six years of imprisonment (without probation), permanent disqualification from holding public office, and revocation of voting rights,” dagdag ng grupo.

Matapos ihain ang reklamo sa Comelec, humarap sa media sa sina Atty. Jess Falcis III at QCAC chairperson John Paul Orate para idetalye ang kanilang alegasyon kung saan umaasa silang agad na aaksyunan ng komisyon ang kanilang kaso.

(PRIMITIVO MAKILING)

51

Related posts

Leave a Comment