3 KOREANO HULI SA $840-M TELECOMS FRAUD

TATLONG South Koreans national na umano’y sangkot sa telecommunications fraud, ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Novaliches, Quezon City.

Nabatid sa report, ang mga suspek na sina Jin Unghyeon, 29; Choi Sukhyun, 34, at Lee Seungsu, 23, ay nahuli sa aktong nangangasiwa at nagpapatakbo ng computer workstations para sa panloloko ng mga biktima sa pamamagitan ng voice phishing noong Oktubre 27.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang suspek na si Jin ay matagal nang wanted sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot din sa telecommunications fraud, at umano’y miyembro ito ng sindikato na nakapanloko ng kapwa nila Koreano, na umabot sa $US840 milyon mula nang simulan ang ‘voice phishing racket’ noong Enero 2017.

Sinabi ni Morente, agad na ibabalik sa South Korea si Jin upang harapin ang mga kaso nito, habang ang dalawa nitong kasama ay ibabalik din sa kanilang bansa makaraang sampahan ng kasong paglabag sa

Immigration law at ang kanilang mga pangalan ay isasama sa mga ‘blacklisted’ para hindi na sila makapasok pang muli sa Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Rendel Ryan Sy, BI Fugitive Search Unit acting chief, ang mga kasamahan o kasabwat ni Jin sa ilegal na gawain ay nabatid na kapwa ‘overstaying aliens’ matapos na masuri ang mga pasaporte at dokumento ng mga ito at nakitang ang kanilang tourist visa ay expired na.

“Many of our recent arrests involve wanted criminals attempting to transfer their illegal phishing or scamming operations in the country. through our cooperation with our foreign counterparts, we are informed of their crimes. We will make sure that these fugitives do not use the country as their haven for their illegal activities. We will arrest, deport, and blacklist them so they may not set foot in our country again,” dagdag pa hepe ng BI. (LILY REYES)

156

Related posts

Leave a Comment