3 NASA WATCHLIST HULI SA SHABU SA QC

TATLONG drug suspect ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang 20 gramo ng umano’y shabu.

Ayon kay QCPD Director P/BGen. Remus B. Medina, ang mga suspek ay kinilalang  sina Rodjunior Salvador, 30; Arjie Lacanlale, 30, at Jerson Alcara, 30, pawang mga residente ng Brgy. Batasan Hills, at nakalista sa Directorate for Intelligence drug watch list.

Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust operation ang SDEU ng PS-6 dakong alas-6:00 ng gabi noong Lunes sa Masbate St., Brgy. Batasan Hills, makaraang magbigay ng impormasyon ang isang confidential informant tungkol sa ilegal na gawain ng mga suspek na nagresulta sa kanilang agarang pagkaaresto.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 20 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P136,000, isang cellphone, at ang perang ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (LILY REYES)

196

Related posts

Leave a Comment