3 NCR CITIES ‘DI SUMUNOD SA WHO COVID TRACING RATIO

LABINGTATLO sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ang hindi tumupad sa panuntunan ng World Health Organization (WHO) na isang contract tracer sa bawat 800 katao.

Ito ang impormasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inilabas sa media.

Ang mga sumunod at nagpatupad ng alituntunin ng WHO ay ang mga siyudad ng Taguig, San Juan at Manila at ang munisipalidad ng Pateros, ayon kay DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III.

Pinayuhan ni Densing ang local government units (LGUs) ng 13 siyudad na sumunod sa direktiba ng contact tracing, lalo na ngayong sumipa nang malaki ang mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa NCR nitong nakalipas na mga araw.

Ipinaliwanag ni Densing na mas mahalaga sa LGUs na umupa ng mas maraming contact tracers upang maiwasan ang pagkahawa ng virus bawat tao.

Matatandaang kumuha ang DILG ng 50,000 contact tracers noong nakaraang taon habang 15,000 lang ang na-renew ang kontrata. (MARINHEL T. BADILLA)

303

Related posts

Leave a Comment