3 PATAY SA COVID-19 SA 3 CAMANAVA CITIES

NAGKAROON ng tig-iisang namatay dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela, ayon sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, isa ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 12 habang 30 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,951 ang positive cases sa siyudad, 233 dito ang active cases.

Umabot naman sa 20 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 20,084 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 634 ang COVID death toll.

Isa ring pasyente ang iginupo ng pandemya sa Valenzuela City noong Oktubre 12, habang 714 ang active cases sa lungsod makaraang 129 ang gumaling at 141 ang nahawaan ng virus.

Pumalo na sa 34,566 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 33,112 na ang gumaling at 740 ang namatay.

Binawian naman ng buhay ang isang COVID patient sa Navotas City, habang 266 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 11 matapos na 14 ang nagpositibo sa virus at 31 ang gumaling.

Sumampa na sa 17,458 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 16,656 na ang gumaling at 536 ang namatay.

Wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

131

Related posts

Leave a Comment