3 PATAY SA KARAHASAN SA MAYNILA

patay

DALAWA katao sa Quiapo at isa sa Tondo ang napatay sa karahasan sa lungsod ng Maynila noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Unang ini-report ni P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng MPD-Station 7, bandang alas-6:20 ng umaga nang patayin sa palo ang biktimang si Rafael Altavo, 43, ng Cavite St., Gagalangin, Tondo.

Apat sa mga suspek ang responsable sa pagkamatay ng biktima na nagawa pang maisugod sa Ospital ng Tondo subalit idineklarang dead on arrival ni Dra. Heidi Danica Baltazar.

Samantala, dead on the spot ang dalawang biktima dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan makaraang pagbabarilin sa panulukan ng P. Gomez at Carriedo streets sa Quiapo.

Kinilala ang mga biktimang sina Jimmy Lingat, 52, ng Indang, Cavite, at Marlon Tan, 42, ng Quiapo, Manila.

Isang nakasuot ng green na helmet at green na jacket ang itinuturong gunman sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

243

Related posts

Leave a Comment