3 PATAY SA MOTOR NA SUMALPOK SA TRUCK

patay

BATANGAS – Tatlong magkakaibigan na sakay ng motorsiklo ang namatay matapos na ang kanilang sasakyan ay sumalpok sa likuran ng truck na nakaparada sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Jenny Lyn Alvarez, 29; Daniella Tracy Alava, 21, at ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Billy Joe Aquino, 27-anyos.

Ayon sa pulisya, tinatahak ng mga ito ang highway nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihan ng truck na nakatigil at nasiraan sa Diversion Road sa Barangay Latag.

Grabeng napinsala ang ulo at katawan ng mga biktima na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Hawak na ng Taal Police ang driver ng truck na si Roberto Vergara, 46-anyos. (NILOU DEL CARMEN)

182

Related posts

Leave a Comment