TATLONG indibidwal ang nasakote ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” sa Tomas Pinpin Street, Sta. Cruz, Manila bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ray”, 32; “Jo”, 26, at “Gerry”, 24-anyos.
Base sa ulat ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Gandara Police Community Precinct, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, bisperas ng Bagong Taon nang mangyari ang insidente sa naturang lugar
Lulan ng e-trike ang tatlong biktimang pawang mga babae, nang harangin umano ng mga suspek na armado ng patalim at nagdeklara ng holdap.
Sumabit umano ang isa sa mga suspek at hinablot ang bag ng isa sa mga biktima at tumalon mula sa sasakyan kahit na umaandar kaya nakaladkad ang babae.
Ang komosyon ay nakatawag ng pansin sa mga istambay sa lugar na sumaklolo sa mga biktima hanggang sa madakip ang mga suspek ng
nagpapatrolyang mga pulis ng Gandara PCP.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery with violence against or intimidation of persons. (RENE CRISOSTOMO)