3 TIKLO SA P6-M SHABU SA RIZAL

RIZAL – Mahigit P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito.

Kalaboso ang mga suspek na sina James Becensio Conco, 21; Dianna Baliador Antonio,19, at Richard Madarang Arellano, 43, pawang mga residente ng Marikina City, makaraang madakip sa buy-bust operation sa D.B. Soliven 2 Avenue, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Napag-alaman, nakabili ng 100 gramo ng shabu ang isa sa mga operatiba ng Cainta Police, sa mga suspek sa nabanggit na lugar.

Bukod sa nabiling 100 gramo ng shabu, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang foil pack na may markang Taguan Yin, na naglalaman ng isang kilo ng hinihinalaang shabu na tinatayang P6.8 milyon ang halaga.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

111

Related posts

Leave a Comment