3 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA INTRAMUROS

MAHIGIT 100 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P680,000 ang halaga, ang nakumpiska mula sa tatlong suspek na target sa buy-bust operation sa Intramuros, Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Odin/Boss”, 33; alyas “Alex” 50, at alyas “Ian”, 20, pawang mga residente ng Intramuros.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Ermita Police Station, bandang alas-8:00 ng gabi nang ilatag ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Prudencio Saballo Jr., ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), ang operasyon laban sa ilegal na droga sa A. Soriano Street malapit sa A. Bonifacio Drive sakop ng Barangay 655 sa Intramuros.

Bago ang ikinasang buy-bust operation, nakipag-ugnayan muna ang grupo sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Isang miyembro ng SDEU ang nagpanggap na buyer na nakabili ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isa sa mga suspek

Isa pa sa mga suspek ang nagbenta ng 3 pirasong plastic sachet ng shabu, at may nakumpiska pang 100 gramo sa isa sa mga suspek, na tinatayang P680,000 ang street value.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), na walang inirekomendang piyansa. (RENE CRISOSTOMO

513

Related posts

Leave a Comment