NADAKIP sa buy-bust operation noong Miyerkoles ng gabi ang dalawang lalaking magkapatid at isa pang suspek na umano’y dumayo sa Brgy. San Dionisio, Paranaque City sa kanilang pagtutulak ng ilegal na droga.
Nadakip ng mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque Police Station 3, sa pangunguna ni P/Maj. Anthony Alising, sa operasyon sa Tramo St., Brgy. San Dionisio, District 1, Parañaque ang mga suspek na kinilalang sina Melvin Baclayon, Antonio Baclayon at Leon Gilvison, pawang ng Brgy. San Antonio, District 2, Parañaque City.
Nakuha sa pag-iingat ng tatlong suspek ang limang sachet ng shabu na tinatayang 11 gramo ang timbang at P74,800 ang street value.
Ang mga suspek ay nakapiit na sa Parañaque Detention Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)
189 