3 TULAK NALAMBAT SA BASECO AT TONDO

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police Station 12, ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Purok 1, Isla Puting Bato, Brgy. 20, Tondo, habang nadakip din ng mga tauhan ng MPD-Station 13, ang dalawang lalaki sa sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Sabado ng madaling araw.

Unang iniulat ang pag-aresto sa suspek na si Marvin Salik, 26, bandang alas-1:45 ng madaling araw sa inilatag ang buy-bust operation sa pangunguna ni Police Captain Tristan De Lara, hepe ng SDEU.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Restito Acohon, commander ng MPD – Delpan Police Station 12, ang nasabing suspek ay tumatarima sa Isla Puting Bato sa Tondo upang magbenta ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000.

Habang dalawang lalaki naman ang inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD – Station 13 sa Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila na kinilalang sina Ismael Pananggulon, 48, at Rannie Cañedo, 35-anyos.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng MPD- Station 13, bandang alas-1:10 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa Blk.1, Dubai St., Baseco Compound.

Inihayag ni Police Captain Harold Celestra, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Station 13, nakumpiska mula sa suspek ang 5 sachet ng umano’y shabu na nasa 5.1 gramo at katumbas ng halagang P34,680.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs of 2002).

(RENE CRISOSTOMO)

221

Related posts

Leave a Comment