3 WANTED RAPE SUSPECTS NASAKOTE NG PNP-PRO5

“THERE is more. Not more to do but more to be,” ani PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos ang sunod-sunod na pagkakaaresto ng kanyang mga tauhan sa tatlong wanted rape suspects sa kanilang nasasakupan nitong nakalipas na linggo.

Unang nahulog sa bitag ng PRO5 Malilipot Municipal Police Station si Jerome Barcelo Gonzales, alyas “Rhon” ng Gonzales St., Barangay 4 sa bayan ng Malilipot, Albay, nahaharap sa five counts ng rape dahil panggagahasa sa isang alyas “Connie” sa Bacoor City, Cavite.

Si Gonzales ay dinakip ng mga tauhan ni P/Col. Arnold Santiago, Albay Police Provincial Director, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Hon. Maricar A.S. Prudon-Sison, presiding judge ng RTC Branch 113, 4th Judicial Region ng Bacoor City. Walang pyansang inirekomenda ang korte para sa nasabing suspek sa kasong 5 counts ng qualified rape through sexual assault.

Sumunod na nadakip ang most wanted person ng Aroroy, Masbate na kinilalang si Nardito Rabosa Ros, magsasaka at residente ng Barangay Mariposa, Aroroy ng nasabing lalawigan dahil sa kasong panggagahasa.

Si Ros ay nadakip ng Aroroy MPS sa pamumuno ni P/MSSgt. Nestor L. Campo Jr. ng Warrant and Subpoena Section, matapos ang ikinasang intelligence operations laban sa suspek kaugnay sa kasong rape, sa sala ni Hon. Ave A. Zurbito-Alba, presiding Judge ng RTC Branch 48, 5th Judicial Region, Masbate City, walang inirekomendang pyansa.

“If these wanted criminals are left on the loose, it is tantamount to promoting anarchy. At all costs, I won’t allow it,” ani Gen. Estomo matapos na ihayag ang pagkakadakip naman sa isa pang rape suspect na kinilalang si Noel Golloso Hael ng Brgy. Pawik, Magallanes, Sorsogon na natunton ng kanyang mga tauhan sa Imus City sa lalawigan ng Cavite.

Matapos ang inilatag na intelligence operation ng PRO5 Magallanes MPS team, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Arturo P. Brual, Sorsogon Provincial Director, isinagawa ang law enforcement operation laban sa suspek base sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Adolfo G. Fajardo, presiding judge ng RTC Branch 55, 5th Judicial Region, Irosin, Sorsogon.

Walang inirekomendang piyansa ang korte.

Si Hael ay ipinagharap ng kasong panggagahasa ng isang alyas Carolina, mula bayan ng Magallanes sa Sorsogon.

Makaraang pormal na masampahan ng kaso ay nagsimula nang magtago ang suspek hanggang sa matunton ng Bicol Police sa Brgy.

Pasong Buaya 2, Imus, Cavite. Sinabi pa ni Gen. Estomo, “Our intensified manhunt operations has been delivering the numbers and we have been receiving feelers for possible surrenders by some. Until no formal surrender has been consummated, the rule of the law shall be applied.”

Pansamantalang naka-temporary custody ng Magallanes MPS lock-in facility ang suspek. (JESSE KABEL)

160

Related posts

Leave a Comment