MAY kabuuang 31 katao ang naiulat na nasugatan habang mahigit 300 bahay ang napinsala sa magnitude-5.8 earthquake na yumanig sa San Francisco, Southern Leyte noong Huwebes.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinakabagong bulletin, isang araw matapos ang paglindol, sinabi ng NDRRMC na nakatanggap ito ng report na 31 ang nasugatang tao at magsasagawa na ito ng balidasyon sa impormasyon.
Wala namang naiulat na nasawi o nawawala sa insidente na nangyari alas-7:39 ng umaga ng Huwebes.
Sinabi ng NDRRMC na may anim na bahay ang totally damaged at 342 na bahay naman ang partially damaged sa Southern Leyte.
Nadadaanan na ngayon ang dalawang lansangan at isang tulay sa lalawigan na naapektuhan ng lindol.
Ang mga nasirang imprastraktura ay umabot sa 49, lahat sa Southern Leyte ngunit wala pang tinurang halaga ang NDRRMC sa mga napinsalang bahay at istraktura.
Sa bayan ng Liloan, nabagsakan ng bato ang mga bahagi ng isang kalsada sa Barangay Tubigon dahil sa epekto ng lindol.
Samantala, naiulat ang Intensity VI sa bayan ng San Francisco at ang ‘intensity levels’ sa Surigao City at Cagayan de Oro City. (CHRISTIAN DALE)
23