TATAY, 7 ANAK NALASON SA TINAPAY

COTABATO- Isinugod sa pagamutan ang isang haligi ng tahanan at pito nitong anak matapos umanong malison sa kinain na tinapay, iniulat kahapon sa lalawigan.

Ginagamot sa ospital ang amang si Carlos Kayawi at pitong anak nito na pawang menor de edad.

Batay sa report ng pulisya, bumili ng tinapay na “double buddy” si Kayawi sa isang bakery na pag-aari ni Rose Rabia at iniuwi sa kaniyang pamilya sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Matapos kainin ng mag-anak ang tinapay, sumakit ang tiyan ng mga ito makalipas ang ilang minuto bago nakaranas ng pagkahilo at pagsusuka kaya’t kaagad na isinugod sa pagamutan.

Isinailalim sa eksaminasyon ang tinapay na kinain ng mga biktima upang alamin ang dahilan nang pagkalason ng mga ito.

Nangako si Rabia na sasagutin ang gastusin ng pamilya sa ospital. Annie Pineda

 

357

Related posts

Leave a Comment