3,228 BINATILYO TINULI SA ANGELES CITY

PINANGUNAHAN ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang Operation libreng tuli sa 3,228 kabataan sa nasabing siyudad. (CONTRIBUTED PHOTO)

ANGELES CITY — Umabot sa 3,228 binatilyong Angeleño na edad 10-17 ang sumailalim sa libreng tuli sa loob ng 25 araw kamakailan.

May temang “Magpatuli para Pogi,” ang nasabing ‘operation tuli’ ay isinagawa sa anim na Rural Health Units mula July 4 to 28, 2022, na pinangasiwaan ng pamahalaang lungsod ng Angeles sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

Ito ay pinamahalaan nina Lazatin Chief Adviser IC Calaguas at Executive Assistant IV Reina Manuel kasama ang City Health Officer (CHO) na si Dr. Verona Guevarra at Gender and Development Officer Mina Cabiles.

Ang programa ay inilunsad ni Mayor Lazatin upang matugunan ang pangangailangan ng Angeleños partikular na ang mahihirap na kabataan.

“Nais po nating matulungan ang mga magulang sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak, kaya naman po inilunsad natin ang operation libreng tuli,” ayon kay Lazatin.

Buhat sa 3,228 — 351 na bata ay tinuli sa RHU 1; 837 sa RHU 2; 443 sa RHU 3; 545 sa RHU 4; 407 sa RHU 5; at 655 naman sa RHU 6.

Ayon kay Arnel San Pedro, City Information Officer, katuwang sa nasabing aktibidad ang nasa 30 midwives, nurse at mga doktor mula sa CHO at Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa pangunguna ni Dr. Froilan Canlas. (ELOISA SILVERIO)

468

Related posts

Leave a Comment