35 OFWs PINABAYAAN NG PHIL. AGENCIES SA ABROAD

Aksyon OFW

FINISH contract na ang nasa 35 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ilang accommodations sa Middle East at malapit nang mag-expire ang kanilang working permits o Iqama sa December 23.

Labing-isang domestic workers at 24 kalalakihan ang naideploy ng iba’t ibang recruitment agencies sa bansa, kabilang na ang East West Placement Center, Placewell Corp.

Kabilang na rito sina Manilyn Ancheta, Mary Ann Gonzales, Virgie Dagsa, Joanah Mae Joy Sible, Julie Ann Piosca, Grace Fulgencio, Irene Pelare, Nelia Ladera, Joy Cioco at Dina Pura na pawang nagtrabaho sa Al Mawarid company sa Saudi Arabia.

Samantala, pawang skilled workers, general laborers at restaurant workers ang 24 na Pinoy na tapos na ang kontrata, 23 sa kanila ay may final exit visa na at isa lang ang walang final exit visa at benepisyo.

Inirereklamo rin ng mga OFW na overstaying na sila sa accommodation ng ahensya sa nakalipas na tatlong buwan, kulang ang pagkain mula sa kompanya at may sakit na ang iba.

1. Jonito Villarena Punsaran (Iloilo City, Iloilo)
2. Lawrence Vincent Q. Antopina (General Santos City)
3. Maximino M. Ninal Jr. (San Carlos City, Negros Occidental)
4. Danilo Alejandro Dee Jr. (San Mateo, Rizal)
5. Rolando D. Pastoral Jr. (Dagupan City, Pangasinan) REGION 1
6. Feb Bonggo Nadayag (Laguindingan, Misamis Oriental)
7. Jay Anthony Mirafuentes Robles (Toril, Davao City)
8. Aristotle Cubacub Cruz (Lubao, Pampanga) REGION 3
9. Jaime Wong Araza Jr. (Silang, Cavite) CALABARZON
10. Nazev F. Panalondong (Kauswagan, Lanao del Norte)
11. Ryan Jay Aguilar Acoba (Aurora, Isabela) REGION 2
12. Duke Kelvin T. Pedro (Butuan City)
13. Roderick Quizana Palatino (Pasig City)
14. Joseph Redon Tindoc (Tayug, Pangasinan) Region 1
15. Crismar Yasay Basigsig (Opol, Misamis Oriental)
16. Bashet Mala Batuampar (Zamboanga City)
17. Jailani Dariday Asnawi (Bangkal, Davao City)
18. Mark Neil Ronsongan (Maigo, Lanao del Norte)
19. Mahadil Abdulla Sampang (Maluso, Basilan)
20. Exsan Omar Maruhom (Pasay City)
21. Rene Anao (Pasig City)
22. Eddie Generale Pero (Butuan City)
23.Romneck Cabayao Calinog (Iloilo City) 0596637717
24. Arjie Ambay Seraspe (Pulupandan, Negros Occidental)

Ang mga ito ay pawang empleyado ng Al Mawarid Manpower services sa New Industrial City, Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Ang kanilang kaso ay patuloy na tinututukan ng Aksyon Bantay OFW at OFW Assistance Group Volunteers, sa pamumuno ni Jeff Balsa.

Ang kaso nila ay naipadala na kay Dok Chie Umandap, dating OWWA board of trustee, para sa kaukulang aksyon at repatriation sa lalong madaling panahon sa nasabing mga OFW.

Hanggang sa susunod na pagtugon at aksyon sa mga hinaing ng ating mga Kabayaning OFW.

Good News!

Inihirit ni Senator Imee Marcos sa pamahalaan na huwag nang patagalin pa ang pagbigay ng mga vaccination pass sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan nito para makapagtrabaho sa ibang bansa.

“Ang mas madiskarteng target ang solusyon. Ang mga OFW na may kasalukuyang mga job contract, mga bumibiyaheng negosyante, at mga estudyanteng humahabol sa mga school terms nila abroad ang dapat na unahing bigyan ng passes,” sinabi ni Senator Imee Marcos.

Ayon sa POEA Advisory No. 101, “outbound travelers who have been fully vaccinated in the Philippines may apply for an International Certificate of Vaccination (ICV) or “Yellow Card” with the Bureau of ­Quarantine (BOQ) if such is required in the country of destination”.

Para sa inyong, komentaryo, suhestiyon at opinyon, ipadala lang ito sa aking email address, dzrh21@yahoo.com.

215

Related posts

Leave a Comment