370 PAMILYANG BIKTIMA NG BAGONG ULYSSES SA BULACAN, TUMANGGAP NG AYUDA

MAHIGIT 370 pamilya na biktima ng bagyong Ulysses ang nabigyan ng tulong ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

Sa pahayag, personal na iniabot ni Go ang iba’t ibang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad na sinaksihan ng ilang mga local na opisyal sa nabangit na bayan.

Kabilang dito ang ilang grocery, vitamins, facemask at face sheild ang tinanggap ng mga benepisyaryo bukod pa ang tig-P5,000 na tulong pinansiyal na mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagbigay rin ng ayuda ang Department of Trade and Industry, Department Agriculture, at Department of Health.

Samantala, may 25 na bisikleta at 25 computer tablets ang ipina-raffle sa mga na apektuhan ng nakaraang kalamidad. (ESTONG REYES)

152

Related posts

Leave a Comment