50% DISCOUNT SA MRT-3, LRT-2 AARANGKADA SA LUNES

GOOD NEWS sa commuters!

Simula Lunes, Marso 23, kalahati na lang ang babayaran sa pasahe sa MRT-3 at LRT-2 matapos aprubahan ang 50% diskwento sa lahat ng pasahero.

Ayon sa Department of Transportation, bahagi ito ng hakbang ng gobyerno para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng gulo sa Gitnang Silangan.

Mananatili naman ang kasalukuyang diskwento para sa senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga estudyante—basta gumagamit ng Beep cards.

Dahil dito, ang regular passengers na may Beep card, automatic na makatatanggap ng 50% discount sa kanilang pamasahe. Sakop din ng parehong diskwento ang single-journey tickets.

62

Related posts

Leave a Comment