372 FOREIGN NATIONALS IDE-DEPORT NG BI

NAKATAKDANG i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang kabuuang 372 foreign nationals sa magkakaibang batches.

Ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, inaayos na ng BI ang pagpapa-deport sa 331 Chinese nationals at 41 iba pang nationals na nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa Pasig City at Angeles City noong Setyembre.

Idinagdag pa niya na 43 ng kabuuang nahuli ay itinurn-over sa BI, habang ang iba pang natitira ay nasa kustodiya ng mga umaresto sa kanila.

Ibinahagi rin niya na ang BI’s Board of Commissioners ay nag-isyu ng isang Summary Deportation Order para sa 372, at isinasapinal na ang pag-aayos para sa kanilang pag-alis.

Batay naman sa BI’s procedures, ang deportees na walang nakabinbin na kaso sa bansa at kinakailangan mayroon silang valid travel document.

Ang BI ay nakipag-ugnayan na sa NBI at Chinese Embassy, na humihiling sa pagpapabilis ng pag-release ng kinakailangang mga dokumento ng mga dayuhan.

Pagkatapos na makumpleto ang dokumentasyon, agad na i-schedule ang pag-alis at ang gastusin ay sasagutin ng deportees.

Samantala, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, sinimulan na nila ang visa cancellation ng 48,782 aliens na nagtatrabaho sa POGO companies at service providers na ang ‘authority to operate’ ay kinansela at ni-revoke ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“Upon receipt of the information from PAGCOR, we immediately started cross-checking their employees to determine which ones are still in the country,” ani Tansingco.  “While this is a laborious task as we have to check each and every record, we are confident that this could be completed in a month,” dagdag pa niya. (JOEL O. AMONGO)

139

Related posts

Leave a Comment