NAREKOBER ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang apat na sasakyang sangkot sa rent-tangay, talon-casa at pasalo schemes, sa Central Luzon.
Ayon kay Acting Director PCol. Hansel Marantan, ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan, Bataan, Pampanga at Nueva Ecija.
Narekober ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Vios sa Bataan, dalawang sasakyan sa Pampanga at isang Mitsubishi Strada sa Nueva Ecija na may P1.25 milyong hindi nabayarang utang sa bangko.
Samantala, pinaalalahanan ng HPG ang publiko laban sa mga pekeng transaksyon sa pagbili o pagpapasalo ng sasakyan.
Hinikayat din ang mga motorista na i-verify sa LTO o sa HPG Vehicle Information Management System ang record ng sasakyan para maiwasang ma-scam.
(TOTO NABAJA)
