4 TULAK NALAMBAT SA DRUG DEN

LAGUNA – Sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang motorcycle repair shop na umano’y ginawang drug den sa Barangay Kay Anlog sa Calamba City sa lalawigang ito.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Freddie Alina, Jessie Cruz, Dennis de Castro at Franco Montano.

Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad matapos manmanan ang hideout ng mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P63,000 ang halaga. (CYRILL QUILO)

129

Related posts

Leave a Comment