40.7M PINOY FULLY VACCINATED NA

UMABOT na sa 95,982,996 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa buong bansa ang naiturok ng Pilipinas na mayroong 40,693,310 Pilipino sa ngayon ang fully protected laban sa nakamamatay na sakit.

Ipinakita sa data mula sa National COVID-19 vaccination dashboard “as of December 10” na 54,553,456 doses ang nagamit bilang first shots habang 736,230 ang nagamit bilang booster o karagdagang turok.

Target ng gobyerno na makumpleto ang dalawang pangunahing doses o 54 milyong adult Filipinos, 80% ng mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 at booster shots para sa 1.6 million health care workers bago matapos ang taon para makamit ang population protection.

Nauna nang sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., National Task Force Against COVID-19 chief implementer, layon nito na pataasin ang bilang ng mga fully vaccinated Filipino hanggang 77 milyon sa pagtatapos ng first quarter sa susunod na taon at hanggang 90 milyon naman sa second quarter.

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ng pamahalaan ang publiko na mag-avail na ng kanilang booster shots anim na buwan matapos matanggap ang kanilang second dose o tatlong buwan para naman sa nakatanggap ng single-dose Janssen jab.

Mayroon namang priority lanes sa senior citizens at adults na may comorbidities sa vaccination centers.

Ang layunin tungo sa pagtatapos ng pandemya ay paiigtingin kapag ang second leg ng “nationwide inoculation drive “Bayanihan, Bakunahan” ay ikinasa na mula Disyembre 15 hanggang 17. (CHRISTIAN DALE)

169

Related posts

Leave a Comment