400 NAIA PERSONNEL BINALASA NG BI

BINALASA ng Bureau of Immigration (BI) ang halos 400 nilang personnel na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensiya na masawata ang korapsyon sa nasabing tanggapan.

Sinabi ni BI Port Operations Division chief, Atty. Carlos Capulong, nasa kabuuang 398 immigration officers na nangangasiwa sa pangunahing inspection duties sa premiere port, ang apektado ng pagbalasa.

Inihayag niya na ito ay second rotation ng BI-NAIA personnel ngayong taon makaraan ang first rotation na inimplementa noong nakaraang Marso.

Pinaliwanag pa ni Capulong, ang layunin ng pagbalasa ay para pigilan ang fraternization sa bureau’s airport personnel.

Dinagdag pa niya na bukod sa BI officers na nagmamando sa NAIA’s immigration counters, ang bureau ay nagpapatupad din ng arawang pagbalasa ng terminal assignments ng mahigit sa 80 immigration supervisors.

Samantala, inihayag naman ni BI Commissioner Jaime Morente na ang BI ay nakatakdang magsimula ng training sa 195 newly-hired immigration officers.

Sinabi pa ni Morente, ang mga bagong empleyado ay may appointments na at nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, at magsisimula ng kanilang training program sa immigration laws, rules and procedures sa BI Academy na matatagpuan sa Clark, Pampanga.

Winelcome naman ng BI chief ang appointment ng mga bagong BI inspectors na makadaragdag sa bilang ng personnel hindi lamang sa NAIA kundi maging sa iba pang international airports.

“We expect these new officers to assume their duties this September and their deployment will definitely solve our perennial problem of lack of manpower in our airports,” ani Morente. (JOEL O. AMONGO)

172

Related posts

Leave a Comment