41% PINOY GUSTONG MA-IMPEACH SI VP SARA

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI na ikinagulat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na 41% sa mga Pilipino ay nais mapatalsik si Vice President Sara Duterte.

Ayon kina House assistant majority leader Jay Khonghun at Deputy Majority Leader District Rep. Paolo Ortega V,” hindi sila nasopresa dahil matibay umano ang ebidensya na ginamit sa maling paraan ang confidential funds ni Duterte.

“The numbers don’t lie. The public is demanding accountability, and this survey reflects their growing frustration over the glaring irregularities surrounding the Vice President’s actions,” ani Khonghun.

Sa survey ng SWS noong December 12 hanggang 18, 2024, 41 percent sa 2,160 respondent ang nagsabing nais nilang ma-impeach si Duterte, 35 percent ang kumontra habang 19 percent naman ang walang desisyon.

Sinabi ni Khonghun, maaaring ikinagalit ng mga Pilipino ang maling paggamit ni Duterte sa P612.5 million confidential funds nito sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2023.

“Filipinos are watching. They are sending a clear message that leadership should be built on trust, not entitlement. It is now up to Congress to respond to their call for accountability,” ayon pa sa mambabatas.

Bukod ang halagang ito sa P125 million na confidential funds ng OVP na nagastos ni Duterte sa loob lamang ng 11 araw kung saan dalawa sa beneficiaries ay nagngangalang “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin”.

Bukod sa dalawang nabanggit na pangalan ay libu-libo pang pangalang isinumite ng tanggapan ni Duterte na beneficiaries ng kanyang confidential funds ang sinertipikahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na non-existent sa kanilang data base o hindi mga totoong tao.

“This is about accountability. The evidence against the Vice President is glaring, from the misuse of confidential funds to a pattern of governance riddled with questions. The Filipino people deserve answers, and their support for impeachment shows they are demanding transparency and justice,” ayon naman kay Ortega.

15

Related posts

Leave a Comment