IHAHANDA ng Department of the Interior and Local Government ang mahigit 42,000 bagong halal na barangay officials kasunod ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 6, 2026.
Sa pamamagitan ng Local Government Academy, isasailalim ang mga bagong opisyal sa Barangay Newly Elected Officials Program simula Enero 2027.
Ayon kay LGA Assistant Director Daphne Purnell, may orientation, localized at needs-based training, at pamamahagi ng printed reference materials sa bawat barangay.
Layunin ng DILG ang tuloy-tuloy na pagsasanay upang matiyak ang maayos at epektibong serbisyo sa komunidad.
(JESSE KABEL)
4
