44 TULAK TIKLO SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Umabot sa 44 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang menor de edad, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial l Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:30 ng umaga noong Miyerkoles hanggang alas-12:45 ng madaling araw nitong Huwebes sa anim na lungsod at limang bayan ng lalawigan.

Nanguna ang Lungsod ng Bacoor sa pinakamaraming bilang ng mga dinampot kabilang ang isang menor de edad, 14; sumunod ang Tanza, 8; habang tig-apat ang Cavite City, Imus City, General Mariano Alvarez (GMA) at Naic; tig-dalawa naman ang Alfonso at General Trias City, at tig-isa ang Dasmariñas City at Silang.

Ang arestadong mga suspek ay pawang nakakulong sa Cavite Custodial Center habang ang menor de edad ay nasa kustodiya ng Bacoor City Social Welfare and Development. (SIGFRED ADSUARA)

389

Related posts

Leave a Comment