5-ANYOS INANOD SA BAHA SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa pa ng retrieval operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) hinggil sa isang 5-anyos na batang lalaki na hinihinalang tinangay ng baha makaraang umapaw ang tubig sa creek malapit sa kanilang bahay sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktimang si alyas “Mohamad”, 5-anyos, bandang alas-3:00 ng hapon naglalaro ang bata sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City nang biglang bumagsak ang malakas na ulan at umapaw ang tubig sa creek kaya hinihinalang inanod ito ng baha at nalunod.

Ini-report ng pamilya ang insidente sa mga awtoridad at sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng retrieval operation ang CDRRMO at umaasang marekober ang biktima.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin natatagpuan ang biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

20

Related posts

Leave a Comment