5 ‘BEST TANDER COUPLES’ WAGI SA CALOOCAN

INANUNSYO na ni Caloocan City Councilor Orvince Howard A. Hernandez ang limang ‘may forever tander couples’ na napiling best love stories para sa “Valentine’s Day Blog Making Contest.”

Kinilala ang mga senior couple na sina Lolo Joe at Lola Dory Duatin ng Barangay 176, halos 60 taon nang kasal, may limang anak, 11 apo at 6 na apo sa tuhod; Lolo Emong at Lola Carmelita Miranda ng Barangay 174, kasal na sa loob ng 70 taon, may apat na anak, 12 apo at 12 apo sa tuhod; Lolo Eli at Lola Gemma Ranara ng Barangay 167, kasal na sa loob ng mahigit 50 taon, may limang anak, anim na apo at dalawang apo sa tuhod; Lolo Tonyo at Lola Orang Ladignon ng Barangay 177, kasal mahigit 70 taon, may 12 apo; at Lolo Lilis at Lola Nida Leona ng Barangay 171, kasal sa loob ng 50 taon, may tatlong anak.

“Talagang nakakakilig ang mga ipinadalang love story sa ating ‘Valentine’s Day Blog Making Contest.’ Talagang dito sa Caloocan, may forever. At kung lovelife forever din lang ang hanap natin, champion d’yan ang limang ‘tander couples’ na napili; sana all,” saad ni Hernandez.

“Bilang pagpupugay sa kanila, bibigyan natin sila ng salo-salo with matching flowers kasama ang kanilang pamilya. Bibigyan din ang ating limang ‘love birds’ ng plake at kaunting cash,” dagdag ng batang Konsehal.

Sinabi ni Konsi Vince na maraming makukuhang leksyon ang young generation, lalo na ang mga katulad niyang millennials, sa karanasan ng mga senior couples pagdating sa tunay na pagmamahalan.

“Ngayong buwan ng mga puso, at sa gitna ng bawat pagsubok sa buhay, alalahanin natin walang mas makapangyarihan pa sa wagas na pag-ibig, s’yempre, una ang pag-ibig ng Diyos,” diin ni Konsi Vince. (CESAR BARQUILLA)

279

Related posts

Leave a Comment