AIR FORCE RESERVIST NILIKIDA SA ISABELA

BASILAN – Dead on the spot ang isang Philippine Air Force reservist matapos barilin ng hindi kilalang gunman sa Brgy. Sta. Cruz, sa lungsod ng Isabela sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Isabela City Police Office ang biktimang si Edilberto Gelizon, 57, kawani ng Tabuan Lasa Municipality.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Isabela City Police Station, pauwi na si Gelizon sa Brgy. La Piedad, sakay sa kanyang motorsiklo nang barilin siya ng suspek.

Isang punglo ang naglagos sa ulo ng biktima naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.

Napag-alamang bukod sa pagiging isang Air Force reservist at empleyado ng munisipyo, si Gelison ay aktibong volunteer din umano ng “Save the Children of War” sa Basilan, isang organisyon na tumutulong sa mga bata na apektado ng armadong hidwaan sa lalawigan.

Patuloy ang imbestigasyon n ng mga awtoridad para alamin ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek. (JESSE KABEL)

180

Related posts

Leave a Comment