5 HOLDAPER PATAY SA QC SHOOTOUT

PATAY ang limang umano’y mga holdaper nang kumasa sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) District Special Operations Unit (DSOU), sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Sandie Caparroso, at Highway Patrol Group, sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Ayon kay QCDP director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin, hindi pa nakikilala ng kanyang mga tauhan ang napatay na limang mga suspek.

Nabatid sa ulat, dakong alas-4:00 ng umaga nitong Biyernes, hinoldap ng mga suspek ang Uno Gasoline Station sa Espiritu Compound, Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo.

Ang insidente ay nakita ni P/MSG Ericson Remigio ng PNP Legal Service, na nag-udyok sa kanya na habulin ang mga suspek, kasabay ng paghingi ng tulong sa QCPD-HPG na nagsagawa naman ng anti-carnapping operation sa Atherton St., Brgy. North Fairview.

Agad namang umaksyon ang HPG personnel at hinabol ang mga suspek ngunit nanlaban umano ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang holdaper sa Baloyot Drive, Brgy. Sauyo.

Samantala, ang mga operatiba naman ng DSOU ay nagsagawa ng surveillance/casing operation sa Walnut St., Brgy. West Fairview kung saan ay namataan nila ang iba pang mga suspek na hinahabol ng HPG personnel.

Sa tulong ng DSOU, nakorner ng mga awtoridad ang tatlong mga suspek sa Espiritu Compound, Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo ngunit imbes na sumuko ay nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na nagresulta sa kamatayan ng mga ito. (JOEL O. AMONGO)

153

Related posts

Leave a Comment